Ara POV
Halos di ako makatulog, inaalala ang nangyari kagabi.
Si Rylan..
Halos hindi na nga ako makaalis sa paghawak niya, parang ayaw niya akong bitawan buti nalang at dumating si Jordain.
Jordain is a trust worthy friend. He was there when I was broke and messed up.
Kaya nga naging crush ko siya noon e.
He even help me to broke up with Rylan. Im not saying na kinunsente niya akong hiwalayan si Rylan, it just me.
Kinain ako ng guilt ko.
Wala kaming relasyon the whole 7 years. I can't like him like before kasi si Rylan lang ang iniisip ko.
Siya lang.
"Tita, kain kana daw." Napangiti ako kay Anastasia. Anak siya ni Ilise.
"Susunod ako sweetie." I said.
Nagtooth brush muna ako at naghilamos bago bumaba. Pagkababa ko ay andun na si Ilise kumakain.
"Inom pa." Pang-asar ko.
Nag-inom daw siya dahil nakita niya yung tatay ni Anastasia.
Nagbuntis siya kay Anastasia nung college siya. May nameet siyang guy na iniwanan siya ng anak.
I don't even know the guy's name.
Parehas kaming napatingin kay Jordain na bitbit si Anastasia.
"Kailan ka mag-aasawa ha? May pagkahusband material ka naman." Pang-aasar ni Ilise kay Jordain.
"Arilla Ilise tumahimik ka." May parang banta dun sa sinabi ni Jordain
Pinaupo ni Jordain si Anastasia at nilagyan ng bacon yung plato ng bata. Umupo na din ako at kumuha ng garlic rice.
"Workaholic kasi." Sabi ko.
Tumawa lang si Jordain.
Magkasama si Jordain at Ilise sa isang condominium.
Kay Jordain talaga to kaso minsan lang siyang umuwi dito dahil sa trabaho niya kaya pinatira niya si Ilise dito.
Kahit ayaw ni Ilise ay napilitan na din siya dahil malayo sa kung nasan ang tatay ni Anastasia kaya nga ganun nalang siya makapaglasing dahil unexpected yung pagkita niya sa tatay ni Anastasia.
At magpinsan sila. Walang kapatid si Ilise yung Nanay naman niya nandun sa puder ng tita niya at yung tatay niya patay na.
Yung parents ni Jordain patay na din.
Ako? Pansamantala lang muna ako dito. Next week pa kasi ang simula ng trabaho ko.
Bumalik ako kasi yun naman talaga ang pangarap ko.
Ang maging guro dito sa pilipinas.
Yung mga panahong nasa canada ako ay halos mabaliw ako kakaisip kung kumusta na sa pilipinas at kung okay lang ba siya.
Isa din siya sa mga rasong namimiss ko ang pilipinas. I spent a 8 years with him. Kahit ano kung pilit na wag siyang mamimiss mas lalo ko lang siyang mamimiss.
And he's the main reason why I left Philippines. Siya ang pinaka rason.
Now, im home, im back at nakita ko siya kagabi, he's not the Rylan I loved. Nanibago ako sa kanya.
He smell liquor, he have beard and he's body got bigger than we last met.
Iniling ko nalang ang ulo at nagsimula ng kumain.
"Mommy binigay ko sa guy yung brinaid mong panyo." Napatingin ako kay Anastasia ng magsimula itong magsalita.
"Baby ubusin mo muna, diba bawal magsalita ng puno ang bibig?" Natawa ako kay Jordain.
Hindi naman maikakaila nga may dating talaga si Jordain saakin.
Nung bata pa ako ay crush na crush ko siya, natigil lang yun ng naging kami ni Rylan.
He was so close to Apollo. My brother. Parehas sila ng course na kinuha at parehas ding first year ng makilala ko.
Magaling siyang kumanta, marunong gumitara, katulad ni Rylan.
Friendly siya kaya di ako nahirapang mapalapit sa kanya, at yung si Kian siya naman yung bully.
Napangiti ako ng maalala ko si Kian.
Naalala ko pa yung bardagulan namin dati. Kung pano ko pinipigilan ang sarili kong hindi siya sapakin.
Lalo na kapag tinatawag niya ako sa nakakarinding nickname.
Ms. HB
Si Kian mabait naman siya, pinapakita niya ang pagiging friendly niya through pagbubully.
Pero minsan walang ding meaning yun.
"Alin dun?"
"Yung may meet me at 12:00 am po." Saglit akong napatigil.
Tiningnan ko si Ilise. She seems shocked.
"Bakit naman?" Agad siyang nakabawi.
"The guy is crying kasi when we pick you up." Pagkwento pa ni Anastasia.
Parang bumigat yung atmosphere sa paligid. Ramdam kong may tinatago si Ilise saakin.
Napahuli ko siyang marahan akong sinulyapan pero agad siyang tumayo.
"Its okay anak." Tiningnan niya si Jordain na parang may nalalaman din. "Matutulog lang ako, paliguan mo si Ana ha."
Nilagay niya sa kusina yung pinagkainan niya at pumasok sa kwarto.
Nagmadali akong kumain at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa labas ng kwarto ni Ilise.
Gusto kong kumatok pero nagpipigil ang katawan ko.
Hinawakan ko yung door knob ay sinubukang i-twist yun at di ako makapaniwalang bukas lang yun.
Nakaupo lang si Ilise at nakatingin sa bintana niya.
"Im sorry." Bigla niya nalang sabi at nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papunta saakin at niyakap ako. "Im sorry, Ara."
Hinimas ko yung likod niya ng nagsimula na siyang umiyak.
"Oa mo." Pagbibiro ko. Tumayo naman siya at mahina akong tinapik.
"Pero sabi ko naman kay Ana na akin yung kwento na yun." Pinunasan niya yung luha niya.
"Ha?"
"Ang sabi ko sa kanya ako yung babae dun at yung lalaki ay yung daddy niya pero di ko sinabing daddy niya talaga yun."
Napatango nalang ako sa explanation. Tumungo ako sa kama niya at nahiga dun. Naramdaman ko din siyang humiga.
"Wala ka bang balak na gawing happy ending yung story niyo ni Rylan?"
Bigla akong napaisip sa tanong niya. May rason pa bang ipagpatuloy ang matagal nang natapos?
"Ikaw? Bat di mo hanapin yung tatay ni Ana tas gumawa ka din ng sarili mong happy ending tutal ikaw naman yung main character sa kwento mo kay Ana."
"Ikaw naman talaga yung main character dun tinakpan ko lang na ako baka questionin kapa ng anak ko." Mahina siyang napatawa. "Bakit wala kana bang balak na balikan siya?"
Tama siya.
May balak paba akong magkaroon ng happy ending?
May balak paba akong magbalikan kami ni Rylan?
May isa pa din bumabagabag sa isip ko.
Ginawa ba niya yung huling hiling ko?
Nakatulog ako sa kwarto ni Ilise at nagising ako ng maramdaman kong niyuyogyog ako ni Ana.
"Tita, tito said to get ready." Bumangon ako. "We're going to party daw.
I just found me looking at the mirror, checking my outfit.
Im wearing a red fit dress and white heels. I just wore a simple makeup and braided my hair in high ponytail.
Paglabas ko, I saw Jordain. He's wearing a white dress shirt with two buttons open, white trousers and blue blazer. Sobrang gwapo niya, nakapalagay yung buhok niya sa likod.
Si Ilise naman nag-aayos sa earings niya. She just wearing white crop top with a jeans, and a black heels.
Nakadress lang ng violet si Ana.
After matapos ni Ilise ay sumakay na kami sa sasakyan ni Jordain. Siya na din ang nagmaneho.
When we arrived, may agad na sumalubing saamin. Familiar siya saakin.
"Hi! I know you!" Sabi niya at agad akong niyakap. "You're Ara right? Remember me?"
Ginugugol ko pa ang isip ko kung san ko siya nakilala. Nakalimutan ko na kase.
"Im Hannah! Apollo's assistant," agad akong nagulat sa sinabi niya.
Oo nga noh!
Naalala ko ng maghigh school ang kuya ko, kasama siya sa mga student council tas di niya kaclose yung vice president kaya naghanap nalang siya ng assistant! At yun si Hannah.
"Sorry nakalimutan ko," I awkwardly laughed.
"Its okay, nasan kuya mo?" Nanlaki ang mata ko nang tinanong niya ko nun.
"Huh? W-what do you mean?" Medyo nauutal kong tanong.
"I invited him." Tumingin siya kay Ilise. "Ilise ang ganda mo parin!" At yumakap.
So magkakilala din sila?
Punyemas inimbitahan niya kuya ko? Ampucha.
Nagshake hands lang si Hannah at si Jordain at humalik naman si Hannah kay Anastasia.
Pumasok na kami sa loob.
Medyo wild na yung mga tao dun kaya dumiretso kaming sa may hagdan sa papjntang second floor. Nasa second floor yung pambata.
"Hay ang aga aga pa, sobrang lasing na nung iba." Reklamo ni Ilise at nilabas ang panyo na nasa bag niya saka binigay yun kay Ana. "Anak, tita will guide you to play room okay? I can't kasi." She said then kissed Ana's forehead.
Tumango lang din ang bata.
"Samahan ko lang si Ilise." Sabat ni Jordain.
Nauna na silang umalis at umakyat naman kami ni Ana.
"Tita, do you think po there's bad guy in the play room?" Bigla niyang tanong nang medyo malapit na kami.
I stopped and look at her. "What do you mean sweetie?"
"In school po kasi, may mga bad kids. I hope wala po dito." She seems sad.
Bumaba ako para pantayan ang taas niya. "Sweetie, kung meron man dito free to tell me okay?" Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti naman siya. "Babarangin natin."
Napatawa nalang kaming dalawa.
Bago kami pumasok ay may pinapirmahan mo na saakin. Pucha yung pangalan ko nilagay sa mother's name.
Nilagay ko na din ang number ko para kapag nagkaproblema dito ay matatawagan nila ako or any parents.
Malaki ang room. Madaming laruan. Mga sand clay, swimming pools na bila yung laman, may books din, at blackboard. May swing etc.
At may pagkain ding pangbata. Mga ice cream, cake, candy, mga drinks pambata.
Sarap sigurong tumira dito.
May naalala tuloy ako.
"Sa daming pwedeng pagdate-tan sa pambatang palaruan talaga?" Nakacruss ang kamay ko. Nakakainis kasi si Rylan.
"Kasi isip bata ka e."
Agad ko naman siyang hinampas sa dibdib. "Nakakainis ka!"
"Tingnan mo! Pabebe." Mas lalo pa siyang tumawa ng tumigil ako.
"Pakyu ka!" Sabi ko at pinakyuhan siya.
Hinampas niya naman ng mahina
Nang makapasok na kami ay nagtatago pa rin si Ana sa likod ng binti ko.
I held her back to push her slightly. "Sweetie, its okay." I cheered her up.
May biglang lumapit saaming tatlong bata. Dalawang lalaki at isang babae.
"Do you want to play with us?" Napangiti ako sa sinabing nung batang lalaki.
"See, not all kids are bad."
Tumingin si Ana saakin. "Tita, take care of mommy ha."
Tumango ako. Hinalikan ko muna siya bago ako bumaba. Agad ko namang nahanap si Jordain.
Umupo ako katabi niya at kumuha ng isang shot glass.
"Hinay-hinay lang." Rinig kong sabi niya. Medyo natawa ako.
"Ikaw ang hinay hinay lang. Amoy alak kana." Tumawa naman siya at bigla nalang tumahimik.
Napahinto din ako sa pagtawa ng mapansin ko kung paano niya ko tingnan. Pati siguro kaluluwa ko tinitingnan niya.
"Im not trying to be rude but, that kind of beauty is illegal." Then smirk.
"Then defend me, Attorney." Sakay ko sa joke niya.
"Gladly,"
Parehas kaming napatawa, nahampas ko nalang siya.
"Grabe ka magjoke, nakakakilig."
"Hindi ako nagjojoke." Napabalik kami sa tahimik nang sabihin niya yun. "I will always love to defend you. Like how I defend you to my friends."
Then I start to feel sad, all the memories came back to me.
The things he did, the risk he took and the shame he received he bare all of that for me, to defend me.
"Jord, lasing kana." Kinuha ko yung shot glass na hawak hawak niya pero nilayo niya yun saakin, causing me to fall on his chest.
"Ara, can you just love me? Kahit sapilitan lang?" I can see the desperate on his eyes.
"Jord, alam mo na ang sagot diyan." I distanced myself and look away. "I c-cant love you." Nahihirapan kong sabi.
"I can't force you, but I won't stop to try." Medyo nakaramdam ako ng kunting uncomfortable feeling buti nalang at may lumapit saamin.
I mean-
Hindi pala siya mabuti.
"Kuya," agad akong tumayo ng makita ko si Kuya. Nag-iba yung salamin niya mas lalo siyang nagmukhang masungit.
"Hindi ako inform na may asawa kana pala." Tumingin siya kay Jordain at nakipagkamay.
"Hindi kami mag-asawa, ano kaba." Sinubukang hindi magtunog maldita.
"Kailan kapa nakauwi?"
"Two weeks ago," I smiled awkwardly. Bat nahihiya ako sa kuya ko?
"Di mo man lang naisipang bumisita?" Bakit tunog galit siya? Nagtatampo?
"Suprise ko dapat kayo ni Mama."
Nagulat nalang ako bigla ng bigla niya akong yakapin. "I miss my baby sister, you know." I tried not to cry pero naiyak ako. "She used to fight with me everyday when we're kids hanggang sa lumaki kami. We used to go church together then eat after. I really miss my baby." Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib.
"Stop it, you ruining my make-up." I said and hear him laugh.
Medyo lumayo na siya at binulsa yung kamay niya. "Ang panget mo parin umiyak."
Pinahid ko yung luha ko. "Why are you here?"
"It's my assistant's engagement party. You? Why are you here?" He sound more sarcastic now.
Ang bitter siguro ng buhay nito.
"Hannah's fiancee is my friend's classmate."
"Ahh," tumingin siya kay Jordain. "Kumusta ka bro?"
Nakikita ko ang hiya sa pagitan nila.
Si Jordain ang pinakaclose ni Kuya sa tatlo barkada niya nung college. Si Jordain kasi yung una niyang naging kaibigan.
Then, nasira lahat yun dahil sakin.
Umalis ako kasi feel ko nandidiri si Kuya saakin.
I always say na hinding-hindi ako magiging katulad ng tatay ko pero ginawa ko parin. Kung alam lang sana ni Kuya..
"Thirty-five, closing to death." Mahinang napatawa ang kuya ko.
Minsan talaga di ko sila gets.
Napansin kong may papalapit saaming babae.
She's wearing a navy blue dress.
Maganda siya at mukhang familliar.
"Apollo tawag ka." Naiirita niyang sabi. Lumapag ang tingin niya saakin. "Ara?" Binanggaan niya ang kuya ko para makadaan siya papalapit saakin. Nakita ko pa yung inis sa mukha ng kuya ko.
"H-hi?" Kailangan ko bang mag-hi? Hindi ko kilala to.
Hinawakan niya yung dalawang kamay ko, "Gosh! Ang laki mo na! Last kita ko sayo nung 18 ka!"
"Ahhh, ehhh."
"Di moko maalala? Ako to! Si Reia? Yung enemy ng kuya mo!" Kinapalan niya talaga ng sabi yung enemy.
Naalala ko na siya!
Siya yung vice president na ayaw ng kuya ko! Yung reason ng kuya ko?
It's because:
"Ang ingay niya!" First one.
"Masyado siyang sipsip at plastik" Second.
"Feelingera."
"Masyadong mataas tingin sa sarili niya."
"Maarte sa pagkain."
"Nagsasalita kahit hindi tinatanong."
"Maingay pag nanonood kami ng horror movie."
"Feeling president."
"Feeling maganda."
Natatawa akong inaalala kung paano sabihin saakin ng kuya ko yun nung high school pa siya.
Syempre wala akong alam kasi nasa 8 or 9 pako.
Pero yung last, mukhang di naman totoo.
Maganda Reia, matangos ilong, masyadong bend yung pilik mata, napagkamalan ko nga siyang indian e tas saktong laki ng bibig.
Di mo ikakailang maganda talaga siya.
"Ohh, Reia. I mean Ate, Ayy Miss Reia pala."
Tumawa siya. "Ano kaba? Mars nalang."
Napatawa nalang din ako ng mahina.
"Tara na, Bombay." Masamang tumingin si Reia kay Kuya.
"Parang di ako natikman ahh." Napalitan yun ng nakakalokong ngiti.
"Katabi mo yung kapatid ko." Napabalik ang tingin saakin ni Reia.
"Ayy sorry kailangan mo pang marinig yun. Mauna na kami, bye!" Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago sila umalis ni Kuya.
Napalingon ako kay Jordain ng bigla siyang magsalita.
"Hanapin ko lang si Ilise." Tumango lang ako at napgdesisyunang silipin muna si Ana sa taas.
Napangiti ako ng nakita ko siyang masayang nakikipaglaro ng basket ball.
Ayaw ko munang bumalik sa baba. Masyadong maingay at matao. Di rin ako pwedeng maglasing, may kasama akong bata.
Papaalis na sana ako ng biglang.
Parang tumigil ang mundo ko. Wala akong naririnig, kahit hangin di ko maramdaman.
Nandito siya.........
Mas lalo akong natameme ng tingnan niya ako.
She was looking at me straightly. With a same reaction.
At hindi ko inaasahan ng may biglang sumulpot sa likod niya.
No! This can't be real!
Lasing bako? Nanaginip ba ko?
Parang dumikit yung paa ko sa sahig dahil hindi ako makagalaw.
Pero hindi ko inexpect na nilagpasan lang nila ako like nothing.
Hindi ko kinaya yung tense at mabilis akong tumakbo papuntang banyo.
Naramdaman ko nalang na nanghihina yung mga tuhod ko na kahit anong oras ay babagsak ako.
I saw Alliana and Rylan, heading to the kid's play room.
What's that mean?
They have child? No, no!
I expect something different!
Naramdaman ko nalang na nag-unahang tumulo ang mga luha ko, tinakpan ko yung bibig ko gamit yung dalawa kong kamay, try not to make a sound.
I didn't expect that.
He.... He just.....
He just hugged last night, is it a dream? Kahit si Jordain, nakita niya kami....
Wala bang meaning yun?
Ilang minuto akong nakaupo dun, umiiyak.
Nanghilamos muna ako bago lumabas, mas dumami yung mga tao kumpara nung dumating kami.
Sibukan kung hanapin si Jordain pero,
I never thought I end up standing at the kid's playroom door. Watching Ana, laughing with her friends as I watch Rylan and Allian playing with one kid. Yung babaeng lumapit kay Ana.
I can't get closer to Ana kasi nasa gilid niya lang si Rylan at parang close na close pa sila.
Hindi ko nakayanan ay tumakbo ako sa kalapit na terrace dun.
Pinigilan kong hindi maiyak, at halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.
Liningon ko kung sino yun, "Hi."
Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang naputulan ako ng dila dahil kahit isang salita hindi ko kayang bigkasin.
"Kumusta ka?" Ang bait niya parin.
Is she still the Alliana I used to know?
"Ako okay lang."
Halata naman e. Kumikislap yung mata mo, masaya yung mata mo, lahat sayo masaya.
Naramdaman ko yung paghawak niya sa kamay ko at tinaas yun.
"And its all because of you. Thank you, Ara." Ang ngiti niya. Ang ganda ng mga ngiti niya.
"Say a thing, Ara."
Nagising lang ako ng sabihin niya yun.
"Ahh, ako? Okay lang ako." Pinilit kong ngumiti at marahang binawi ang kamay ko. Pinunas ko yun sa may bandang pwet ko kasi namamawis ako.
Tinukod niya sa railings ang dalawang braso niya at nakangiting minamasdan ang buwan.
"Dating ba kayo ni Jordain?"
Muka ba kaming nagdedate?
"We're in a relationship." Bobo ko.
Tumingin siya sakin. "Good for you. Siguro sobrang saya mo." Nawala yung ngiti niya. "Im sorry, Ara. I was so selfish, pero can you blame me? Nagmahal lang ako."
"No, its okay. Matagal na yun. Masaya ka, masaya ka kay Rylan, m-masaya din ako kay Jordain. Fair lang tayo." Sinubukan kong ngumiti.
Bigla niya kong niyakap. "Im sorry and thank you." Humiwalay siya saakin. "I owe you a big thing."
Tumango lang ako.
Nagsisi akong pinakawalan ko si Rylan pero masaya din ako dahil nakita kong masaya si Alliana.
Mas malaki yung utang ko sa kanya.
She saved my life. Nung malapit na kong masagasaan siya lang yung andun para tulungan ako, nung bagong lipat palang kami siya yung unang naging kaibigan ko.
We used to hang-out every sunday, pero hindi ko alam na may past pala sila ni Rylan.
Feel ko ako nga yung selfish e, kahit kailan diko siya tinanong kung okay lang ba siya.
Lagi kung kwenikwento sa kanya yung relasyon namin ni Rylan pero di ko alam na may past pala sila.
Nalaman ko lang nung ginawan niya ko ng kasalanan.
I don't want to remember those things anymore. Im done with it.
"Maybe, this is goodbye now. I just want to say thank you and I wish you a happy life with Jordain." Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
Nakahawak ako sa palapulsuhan niya.
"Kumusta siya?" Bigla nalang yung lumabas sa bibig ko.
"You still love him?"
Wala akong naisagot tanging nagawa ko lang ay umiwas ng tingin.
"Hindi kita masisi," napatingin ako sa kanya. "It's hard to let go someone you love so much."
Alam ko ang ibig niyang sabihin. Katulad niya, she let go Rylan for me.
At nagsimula na naman akong kainin ng konsensya ko.
"Pero he's okay." Dagdag niya.
Medyo gumaan ang loob ko sa narinig ko.
Walang araw na hindi ko hinihiling na sana okay lang siya.
Na sana kahit wala ako ay okay lang siya.
Na sana mapatawad niya ako sa nagawa ko.
Kung alam niya lang na hindi ko ginusto yun.
I will never hurt him, I will never do things that will cause him pain.
Pero guess what? I just did.
Kinain ko lang yung mga sinabi ko.
Akalain mo yun,
Ang lalaking ginawa lahat para saakin,
Pinagkatiwalaan ako, sinabi ang mga problema niya saakin
Tinuring akong mundo
Pinaramdam sa aking katanggap tanggap ako
Handang ibuwis ang kahihiyan para sakin
Handang makulong para saakin
Handang ipaglaban ako
At handang mahalin ako
Ay nagawa kong saktan.
Nagawa kong paiyakin, nagawa kong paluhurin,
Pinatay ko siya,
Pinatay ko ang puso niya
Pinatay ko ang pagmamahal niya
Pinatay ko ang relasyon na meron siya kay Jordain
Pinatay ko ang pride niya
Pinatay ko ang buong pagkatao niya.
Kung alam niya lang sana, tingin niyo buhay parin lahat yun?
Buhay parin ba ang pagmamahal niya para saakin kung alam niya lang ang rason sa likod ng nagawa ko?
Kung sana, kung sana alam niya lang.
"That's good to hear." I smiled. "He's okay with you, he's happy with you, you did your part you make him happy."
"Yun lang ang kaya kong gawin para sayo, Ara. I know how much you love Rylan. I know how much you want him to be happy." She hold my hand.
Even though the reason is not me.
Sapat na saking makitang masaya si Rylan pero may parte saaking hindi ko alam.
Gusto kong maiyak habang iniisip ang ngiti ni Rylan habang tumitingin sayo.
He used to do that to me.
Ang titigan ako habang nakangiti at sabihing ako ang pinakamagandang pangyayaring nangyare sa buhay niya.
All those sweet words.
I hate to think that he's saying those this time to you.
Did he get deja vu when he say all those sweet words to you?
I want him to be happy with you but I can't help to feel envy.
I can't stop myself wishing that you were dead.
Sinabi ko sa sarili ko na kaya kong wala siya, na kaya kong ngumiti ng hindi siya ang dahilan, na kaya kong imulat ang mata kahit alam kong hindi siya ang bubungad saakin kundi ang walang kabuhay buhay na kisame.
Na kaya kong palipasin ang araw ng hindi siya nakikita.
These 7 years, nahihirapan akong pigilan lahat yun.
Akala ko nakamove on nako pero isang yakap lang.....
Nahulog na naman ako.
Why am I always doing wrong things?
Una, nainlab ako sa lalaking mas matanda pa saakin at tinago ang relasyon namin kahit alam kong mali.
Ngayon naman, nahulog ako sa lalaking may syota na.
I keep doing the wrong things, with the same person.
I can say that he's my sweetest mistake that I always want to repeat again and again.
But I never thought that he will be my worst nightmare that I want to get out of.
Funny how a memories turn into a nightmare.
Hearing his laughs turn into sobs
Watching his smile turn into plain
Looking the spark in his eyes turn into dark
I bet im his biggest regrets.
He regretted for loving me
He regretted for fighting his love for me
He regretted all those years we spend together.
"Thank you, Allian. Thank you for doing this."
Sobrang plastik ko naman kung sasabihin kung thankful akong masaya sila ni Rylan.
Should I be thankful sa sitwasyon ko ngayon?
"Wala yun, ako nga dapat mag thank you sayo." Mahina siyang tumawa.
"Uhm Allian."
Seryoso siyang tumingin saakin at marahang tinaas ang kilay niya, naghihintay sa sasabihin ko.
Dapat ko bang sabihin to?
Kailangan ko ba?
Kaya ko ba?
Mahihiya ba ako?
Nagmamahal lang ako.
Pero...
"Can I ask you a favor?"
Favor ba talaga tong hihingin ko?
Kahit ako di sigurado.
"Ano yun?"
Kumuha muna ako ng lakas na loob.
Nakahawak parin ang mga kamay namin.
Sa ilalim ng bilog na buwan, sa ilalim ng kumikislap na bituin
Nararamdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin.
Kaya ko ba talaga?
Kakayanin ko ba?
"Allian, pwede mo na ba siyang ibalik sakin?"