Aking kinuha pa ang dala dalang pag kain na tinake out mula sa Greenwich. Overload Pizza at carbona ulit “ Ang hilig mo sa Pizza " ang sabi ko ng aking kunin iyon. Nag expect ako na bibili ito ng rice at mauulam naming dalawa pero nauwi naman muli sa pizza. “ Ayaw mo ba? " tanong na balik pa nito na may konting inis na kasama. “ Hindi Naman! Ayos lang. Akala ko lang kasi bibili ka ng rice at ulam ng dahil sa hindi pa tayo naglunch. " sabi ko ng saka ko nilapag sa Mesa ang dala dala nitong pizza at carbonara. “ Pizza kasi favorite namin ni Allan nung mga bata pa kami ito na kinasanayan naming kainin. Kaya kadalasan talaga pizza ang madalas naming bilhin. " sambit na sabi ng may pagkaseryoso na mukha habang kagat kagat ang dulo ng pizza na kinuha niya.. Napapatingin ako sa kanya haba

