“Mr. Emperador, kayo pala. Bakit napatawag ata kayo?" Tanong ko ng masagot ang tawag mula sa pagtunog bigla ng cellphone ko at ako ay nabigla. Hindi pala nakasilent at pagkalakas ng ring tone. Nagulat tuloy ako habang nagbabasa at tumunog ito. Pinakialaman na naman siguro ni Joyce. Talagang buntis na yon. Masisiraan na rin ako sa mga ilang pasabog nito. Sukat bang magrecord ng boses at siyang nilagay na ring tone ng cellphone ko. Babe, I miss you. Tapos paulit-ulit pang ganon lang yung sinasabi niya habang bumubungisngis ng kanyang pagkakatawa sa kanyang sarili. Talagang buntis na yon! Naisipan na naman ako pagkatuwaan tapos nagtatampo naman at hanggang ngayon ay ayaw akong pansinin. “Mr. Cabreras?" narinig kong tawag nung kausap ko. May kausap nga pala ako at si Mr. Alfonso Empera

