Hinila hila palabas ng kwarto nito si Anthony “ Kung bakit hindi mo maantay na magkita kayo mamaya sa loob ng simbahan. Kainis ka Mr. Cabreras. Masyado kang mabilis " sambit na inis na inis na sabi pa ni Bakla. “ Pasensya na Joyce mauna na rin ako " pamamaalam na sabi ni Ninong Chen sa akin. Saka naman ito ang binalingan ng bakla “ Ikaw matanda ka " galit na sigaw “ Pasimuno ka! " turo kay Ninong Chen. Nanlaki ang Mata nito na turo ang kanyang sarili matapos ilinga ang Mata sa loob ng kwarto “ Ako ba? " “ Hindi, siya " turo sa akin nito Tumawa si bakla “ Alangan naman yung bride aber. Natural sino ba matanda rito. " galit na bulalas pang sabi nito kay Ninong Chen. “ Alam mong bawal magkita ang Bride at Groom hanggang hindi pa sila nakapapasok sa simbahan. " nakapamaywang na s

