Mga ilang minuto pa ang iniupo ni Anthony bago siya lumabas ng kanyang opisina. Habang ang asawa kangina pa nag-aantay sa labas upang tumungo sa mall at makipagkita sa kaibigang si Marco. Masyado pang nagdadrama si Demon at panay ang kanyang isip at hindi pa rin mapalagay mula sa lalakeng nakausap. Marco... sa isip niya ay naiwika. Marco... ngayon lang niya ito narinig mula sa ilang mga kaibigan ng kanyang asawa na kanyang nakilala. Marco.. sa isip muli. Hindi naman si Mark na dating nobyo ng asawa. Marco... patuloy na kanyang nasasambit habang nag-iisip at nakatutok ang mata sa kalsada. Sa kahabaan ng binabaybay na daan patungong mall kung saan ay tutungo sila ng kanyang asawa. “What is happening to you? How long have you been silent? Won't you speak? Your silence.” Tanong na sabi n

