Pero hindi ako gaya ni Milca na papayag nalang lait laitin ang matalik na kaibigan ko. “ Kita mo mga itsura " saka tumawa pa ng malalakas ito “ Hoy " sigaw na singhal ko sa kanila. Sabay sabay pa silang napalingon ng aking tawagin sila. “ Mga tsismosa " tawag ko pa ng magtinginan sila. Tumindig ng pagkatuwid ang baboy niyang kasama “ Bakit gold digger " ang maangas na salita nito na pinagkatitigan pa ako mula ulo hanggang paa. “ Pwede na " sabay ngumisi ito Tumawa ito ng para lang tanga “ Palong palo! Kaya naman pala pinatulan ni Sir " salita pa ng mataba kong kasama. “ Ang kapal din pala ng mukha mo. Hindi lang pala tsismisan ang alam niyong gawin. Para rin pala kayong mga linta kung mga madikit at makahigop ng maiinit na tsismis " Sabi ko ng saka ako bahagyang ngumisi. Tina

