Napalunok pa ako hindi dahil sa selos o may kahit katiting na bahid na inis o galit sa nagawang pagsisinungaling ni Milca. Kundi masaya talaga na ako para sa kanila. “ Ilan month na ba kayo? " Nginitian ko pa si Milca “ Bago yung birthday Party " nahihiyang sabi nito. “ Ibig sabihin " turo ko pa sila ng daliri ko “ Wala akong kasalanan " natatawa na sabi ni Milca. Tumingin ito sa kanyang kasama. Si Allan “ Bakit sakin ka nakatingin " tumatawa ito. “ Ikaw " sambit ko ng ituro ko si Allan ” Ibig sabihin pala, ikaw " kahit ako natatawa, Hindi ko lubos akalain na, Bwisit! gusto ko mainis, magalit pero hindi ko magawa. Bagkus gusto ko nalang matawa sa isipin na napaglaruan pala ako ng dalawang ito. “ Nangyari na, huwag munang isipin pa " sambit pa ni Allan na tumatawa tawa. “ Effecti

