Hindi na nagulat pa si Joyce sa pagdating ng kanyang asawa. Nang dahil una pa lang naabisuhan na siya ni Marco. Pinagkaiba lang naayos na lahat ni Marco ang lahat ng kanyang bayarin na nabayaran na rin nito. Inaantay lang siya si Demon para may sumundo sa kanya at maiuwi na siya sa bahay nila. Busy pa kasi si Marco at may nakaabang na surgery kaya hindi makakatakas at maihahantid ang kanyang kaibigan. Simula pa ng magkakilala sila at naging magkaibigan hindi naman nawawala ang pag-aalala ni Marco kay Joyce. Yon nga lang sa punto ngayon. Hindi niya magawang maihatid ang kaibigan dahil sa kanyang makaatang na trabaho. Kaya agad niyang tinawagan si Anthony para sunduin ang asawa na naisugod sa hospital ng dahil sa katigasan ng ulo. Ayaw man ni Joyce pero ginawa na niya habang tulog ito at na

