Medyo naparami ang kanilang napamili sa supermarket. Kaya ang ginawa ni Anthony ay inihatid muna iyon sa sasakyan ng dahil utos ng asawa. “Babe, ihatid mo muna yan sa car park saka tayo mag-ikot. May bibilhin pa tayo di ba?" “Kala ko ba uuwi na tayong dalawa at magluluto kayo ni Ellen? Kaya ka nga namili di ba?" Nagtataka na naitanong sa asawa na palinga-linga sa mga dinadaanan nilang mga booth matapos makapagbayad sa counter. Napaka-raming pinagbibili ng kanyang asawa. Nagulat pa nga siya at nung sang araw lang ay katatapos lang mag-grocery ni Joyce at Ellen ng sabihan siyang marami ng kulang sa bahay. Nagbigay pa nga siya ng pera na pang allowance sa buong linggo na kailangan sa bahay. Nagtataka tuloy siya at kung ano-ano ang pinagbibili ng asawa. “Nagbago isip ko. Mag-ikot muna tayo.

