Chapter 6

1525 Words
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tuma tama sa mukha ko, inaantok akong bumangon sa kama ko. Nakalimutan kong isara ang bintana ko kagabi kaya naman ngayon ay sobrang aga ko na gising kahit wala naman akong schedule ngayong araw. Bumuntong hininga ako at dumiretso na agad sa bathroom para maka ligo na ako, dadalaw nalang siguro ako sa probinsya. Dadalawin ko sina mama. Malapit na rin naman ang birthday ni Alara kaya naman tatanungin ko nalang din siya kung anong gusto niy a. Pagka tapos kong gawin ang ritwal ko sa pag ligo ay nag bihis na ako. Simpleng baggy pants at cropped top lang ang suot ko dahil magiging ma haba ang byahe ko. Hindi na ako tumawag sa kanila na dadalaw ako sakanila dahil alam kong wala naman silang pakielam sa gusto kong gawin. Pagka tapos kong mag ayos ay dumiretso agad ako sa kusina pagka labas ko ng kwarto ko para gumawa ng sandwich para hindi ako ma gutom. May pasok ngayon si Alara kaya sana ma abutan ko siya bago pa siya pumasok sa school niya. Pagka kuha ko sa mga gamit ko ay agad na akong lumabas ng condo unit at dumiretso sa baba, na kita ko ang sasakyan na mag hahatid sa akin sa probinsya kaya naman agad akong sumakay doon. Nang mag simula nang umandar ang sasakyan ay nag simula na rin akong kumain, napa tingin naman ako sa cellphone ko na biglang nag ring kaya agad ko itong sinagot. “Still on your condo?” Tanong ni Caira sa akin pagka sagot ko sa tawag. “No, on my way to province, dadalawin ko sila Alara,” sagot ko rito habang kuma kain ng sandwich. “That's so sudden, may nangyari na?” Tanong nito sa akin galing sa kabilang linya. “Wala naman, gusto ko lang talaga silang dalawin, besides mag bibirthday na rin naman si Alara kaya tatanungin ko na rin kung anong gusto niya,” sagot ko kay Alara. “Osiya, aalis pa ako, ingat sa byahe,” bilin niya sa akin. “I will, thank you Cai,” sagot ko naman bago pinatay ang tawag. Pagka tapos kong kumain ay wala akong ma gawa kaya na tulog nalang ako. Na gising nalang ako nang tumigil ang sasakyan, napa tingin naman ako sa paligid at napag tantong nandito na kami sa harap ng bahay mismo. “Thank you kuya, pa hintay nalang po, uuwi rin naman po tayo mamaya,” bilin ko sa driver. Tumango naman siya sa akin. “Sige po ma’am,” sagot niya sa akin kaya tumango ako sa kanya at bumaba na ng sasakyan. Nang ma kita ko ang oras ay mag aalas onse palang kaya siguradong nandyan pa si Alara sa bahay. Pagka baba ko sa sasakyan ay agad akong lumapit sa bahay at kumatok ako sa pintuan. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan pero ibang tao ang bumungad sa akin. U “Who are you?” Naka taas ang kilay na tanong ko rito. Hula ko ay kasing edad ko lang siya. “Ako ang boyfriend ni Nita,” sagot nito sa akin. Agad naman akong na tawa sa sinabi nito. “You're joking right?” Nang iinsultong tanong ko sa kanya. Kasing edad ko lang siya kaya paano siya magiging boyfriend ng nanay ko. “Hindi ako nag jo-joke, Zayra,” naka ngiting sagot nito sa akin pero hindi pa rin naman ako naniniwala. “Call my mom and dad please,” sambit ko sa kanya. Mayabang naman itong tumingin sa akin. “Ang mama mo lang ang nandito,” sambit niya sa akin. Sakto namang dumating si mama. “Anong ginagawa mo rito, Zayra?!” Gulat na tanong ni mama sa akin. Ngumisi naman ako at tinignan ko siya. “Nasaan si papa?” Iyan ang unang tanong ko sa kanya. Gulat naman itong napa tingin sa akin. “Sumama na siya sa kabet niya!” Sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nalaman ko ngayon. “Hiwalay na pala kayo ma. Pero wala man lang kayong sinabi sa akin?!” Nag ngangalit na tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. “Bakit kapag sinabi ko na sa’yo may magagawa ka?” Tanong niya sa akin. Hindi naman ako maka paniwalang tumitig sa kanya. “Nasaan si Alara?” Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi pa man siya nakaka sagot ay lumabas na ng bahay si Alara. “Ate,” sambit niya sa pangalan ko nang ma kita niya ako. “Hindi mo ba na miss si ate?” Naka ngiting tanong ko sa kanya. Kita ko agad ang pag buo ng luha sa mata niya dahil sa sinabi ko. Agad siyang tumakbo sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Kunin mo na ako rito ate, ayoko na rito,” umiiyak niyang sambit sa akin. Agad na kumirot ang puso ko dahil sa paki usap ni Alara sa akin. Hinaplos haplos ko ang buhok niya at tumango ako sa kanya. “Pupunta tayo ng school mo ngayon para asikasuhin ang mga papers mo, sasama ka sa akin sa manila, doon ka mag aaral,” naka ngiting sambit ko kay Alara. Ngumiti naman siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Hinarap ko naman si mama. Parang nang hahamak pa ang tingin nito sa akin. Wala na sa akin ang ma saktan pa dahil matagal ko na rin namang kinalimutan kung paano ko siya mahalin bilang ina ko. “Aalis na kami, magpaka saya ka sa buhay mo kasama ‘yang boyfriend mo na parang anak mo nalang din,” sambit ko sa kanya at tinalikuran ko na sila. “Ang kapal ng mukha mo, Zayra!” Sigaw nito sa akin. Tumigil ako sa pag lalakad dahil sa sinabi niya. “Mas ma kapal ang mukha mo,” sagot ko pa balik. “Niluwal lang kita sa mundong ito, para pag silbihan ako hindi para bastusin mo ako nang ganito,” galit na galit na sigaw niya sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya. “Anak ako, hindi katulong. Kung gusto mo ng mag sisilbi sa'yo mag hanap ka ng katulong mo, o magpa silbi ka sa boyfriend mong pina palamon mo lang. Sana nag ipon ka sa mga perang binigay ko sa’yo dahil wala ka nang matatanggap sa akin simula ngayon,” sambit ko sa kanya at hinila ko na si Alara. “Nasaan si papa, Alara?” Tanong ko kay Alara. “Nag ta-trabaho siya sa kabilang bayan ate, huwag kang maniniwala kay mama na may kabet si papa, si mama ang nag uwi ng lalaki sa bahay kaya lumayas nang kusa si papa, gusto niya akong kunin kaso hindi pa raw niya kaya at ayaw din ni mama,” sagot nito sa akin. Napa hilot nalang ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya sa akin. “Bakit hindi niyo sinabi sa akin?” Tanong ko sa kanya. “Nahihiya raw si papa sa'yo dahil hindi ka man lang niya maipag tanggol kay mama,” sagot niya sa akin. Napa bunting hininga nalang ako sa sinabi niya sa akin. “Pupuntahan natin siya mamaya,” sagot ko kay Alara. Tumango naman siya sa akin. “Sige ate,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at dumiretso kami sa school niya. At dahil maraming estudyante ay maraming naka kilala sa akin. “Omg ate Kairis!” Naka ngiting sigaw nila nang ma kita nila ako. Ngumiti naman ako sa kanila t kinawayan sila. “Pwede pong pa picture ate?” Naka ngiting tanong nila sa akin. Tumango naman ako sa kanila at nag simula na kaming mag picture. Marami ang nagpa picture sa akin. Kung hindi lang tumunog ang bell ng school nila ay baka hindi pa kami matatapos. “Palaging may nag tatanong sa akin kung kailangan ka raw dadalaw dito para makapag pa picture sila sa'yo,” naka ngising sambit ni Alara sa akin. Napa ngisi naman ako sa sinabi niya sa akin at bahagyang umiling. Dumiretso kami agad sa principal’s office para ma asikaso na ang mga papel niya. Pagka pasok namin sa principal’s office ay agad din kaming inasikaso sa loob. “Are you sure that you are withdrawing your sister from this school?” Tanong pa nito sa akin. Tumango naman ako rito. “Yes principal,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at ngumiti. “Okay, let me process her papers first,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at hinintay naming siyang ma tapos sa gina gawa nito. “Saang school ako mag eenroll ate?” Naka ngiting tanong ni Alara sa akin. “Kahit saan mo gusto,” sagot ko sa kanya. Pumalakpak naman ito dahil sa sinabi ko. “Talaga ate?” Tumango naman ako sa kanya. “Kahit saan, ibibigay ko lahat ng gusto mo,” sagot ko pa sakanya. Kaya naman ako nag ta-trabaho ay para ma bigyan ko siya nang magandang buhay, gusto kong ibigay iyong buhay na pinag kait na ibigay sa akin nila mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD