Gumising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon, habang guma gawa ako ng breakfast ko rito sa kusina ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya tini tigan ko ito. si Caira ang tuma tawag sa akin kaya naman agad ko itong sinagot. “What is it?” walang ganang tanong ko sa kanya. “What happened to you? may sakit ka ba?” nag aalalang tanong niya sa akin. Kumunot naman agad ang noo ko sa naging tanong niya. “No, wala akong sakit Caira,” sagot ko naman sa kanya. Na rinig ko naman siyang napa buntong hininga sa sinabi ko. “Anyway, I called to inform you that today is the expiration of your contract with Kairo, and you both need to release a statement about your break up,” sagot niya sa akin. Agad naman akong napa tigil sa gina gawa ko at bahagyang na tahimik sa sinabi niya sa akin.

