“Let’s go island hopping ate!” naka ngiting sigaw ni Alara sa akin. Nasa dalampasigan kami ngayon, magka tabi kami ni Hannah at sabay kaming napa buntong hininga dahil parang hindi napapagod ang dalawa. “What can we do? kasama natin sila,” bulalas ni Hannah dahil pati siya ay na ubusan ng energy dahil sa dalawa, sobrang hyper ng dalawa habang kami naman ni Hannah ay ubos na ubos na ang energy. “Tara na, wala na tayong magagawa,” sambit ko kay Hannah. Tumango naman ito at sabay na kaming nag lakad pa lapit sa dalawa. “Let’s go,” wika ni Xavian sa amin. Ngumisi ako sa kanya at isa isa na kaming sumakay sa bangka na mag hahatid sa amin sa island. Agad kong napansin ang mga gamit sa dulo ng bangka. “Are we staying there overnight?” tanong ko kay Xavian. Tumango naman siya sa akin.

