"Good morning, Sunshine!" saad ni Xendy na nag-iinat inat pa pagkagising. Sa totoo ay wala pa naman araw ngunit ito ang simula ng training nila. Nais niyang maging alive para naman hindi tatamad tamad ang mga kasamahan niya. "Morning, Chels!" bati niya sa iinat inat ding si Chelsea. Tila inaantok pa dahil sa puyat mula sa pag uusap nila ni chestel kagabi. "Morning." walang buhay na saad naman nito pagkatapos ay kinuha ang tuwalya at agad na naligo. nagready naman si Xendy ng gamit niya para pagkatapos maligo ni Chelsea ay siya naman ang maliligo. Nang matapos sila sa pag-aasikaso ay nagbyahe na sila papunta sa pagsasagawaan ng training nila. Sa unang araw ng Training nila ay hindi muna sila pinaghiwalay hiwalay. Kaya naman tuwang tuwa sina Cheslea at Chestel. Sama sama silang nagtungo s

