Halos mamilipit na sa sakit ang babae sa panlalatigo ng mayor sa kanya. Hindi naman siya nagsisisi na siya ang nakuha ng mga ito dahil ayaw niyang danasin ng best friend niyang si Xendy ang nararanasan niya ngayon. Lalo pa na marami na itong naranasan na sakit. Hindi rin niya nanaisin na si Eman ang makuha dahil alam niya na malulungkot si Agent Jairus kung mangyayari muli kay Agent Eman ang manganib. Hindi naman maaaring ang mga kasamahan pa niyang iba ang makuha. At isa pa ay parte ito ng misyon. Nagtitiwala siya sa mga ito na mahahanap ng mga ito ang mansyon kung nasaan siya ngayon. Naniniwala siya na ano man ang pagkakatago ng mga ito ay hindi siya pababayaan ng mga kasama niya. Lalo na ang mahal niyang si Chestel. Isang maling galaw lang ng mga ito. Isang maling kilos na makawala si

