"Sino kaya talaga ang kausap ni Kuya?" tanong ni Xendy sa isip niya habang nakahiga. Hindi pa rin makalimutan ni Xendy ang narinig niyang malakas na usapan sa kwarto ng kuya niya at ng kausap nito na parang pamilyar sa kanya ang boses ng kausap niya. Hindi niya nga lang maalala kung sino ito at saan niya ito narinig. Mula sa malalim na pag-iisip ay biglang umilaw ang marka sa pulso niya. Agad siyang umayos ng kanyang pagkakaupo at lumabas si Agent Jairus. Halos hindi makatingin si Agent Jairus sa kanya. Nagtataka naman siya kung bakit. "Anong kailangan mo, Agent Jairus?" mataray na sabi niya rito dahil sa inaasal nitong hindi niya maintindihan at tila namumula pa. "P-puwede b-bang m-mag b-bihis k-ka m-muna?" nauutal na sabi nito habang nakalihis ang ulo sa kaliwa nito at nakatingala.

