Hindi makapapayag si Jairus na napaglaruan sila. Lalong hindi siya pa[ayag na ginamit pa ng mga ito ang SAX para saktan sila mismo. "Uulitin ko. Sino ang nag utos sa mga ito para gawin sa amin ang mga ito?" mababakas sa mga mata ni Jairus ang talim ng titig nito at nangingibabaw ang galit nito. "Hindi ko alam. You can ask, Ms. Stephanie..." may halong takot na sagot ng kausap niya. At sa pagkakataong ito ay tama ang sinabi nito dahil ito ang nasa isip ng kausap base sa pagkakabasa niya sa isip nito. Agad na nilapitan ni Xendy si Esmi. Nakabawi na ang dalaga sa tinamo nitong sakit kanina. Hindi naman nanlaban si Esmi at agad itong sumama kay Xendy. Tinungo nila ang kwarto ni Stephanie. At dahil may access si Esmi sa kwarto nito ay agad nitong binuksan ang unit ni Stephanie. Nanlalaki ang

