Pagkahila sa kanya ay agad siyang piniringan ng mga ito. Wala na siyang nagawa kaya hinayaan na lamang niyang gawin ng mga ito ang gusto nilang gawin. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari pero masaya siya. At kahit pa piringan ang mga mata niya ay kita pa rin naman niya ang mga nangyayari. Mayamaya pa ay inalis na ng mga ito ang piring niya. "Surprise!" sabay-sabay na saad ng mga ito. Nangilid ang luha niya dahil sa pag aabala ng mga ito. Ngayon ay naroon sina Xena, Chelsea, Venus at Eman. Kasama rin ang iba pa nilang close sa SAOJ. Sina Sunshine, Athena, Ryza at Izza. "Mom? Akala ko nasa overseas kayo ni Daddy?" hindi niya mapigilang tanong at tuluya nang pumatak ang kanyang mga luha. "Oh, don't cry, Hija. It's for you." lalo siyang napahagulgol dahil ang buong akala niya ay hindi imp

