At katulad nang napagkasunduan ng lahat ay bibigyan sila ng mga partners. Ganoon pa rin ang kapareha ni Jairus. Katulad noon ay sina Eman at Jairus ang magka-partner. Sina Chestel at Chelsea naman ang magkatambalan at sina Jarred at Xendy ang magkasanib puwersa sa operasyon. Sama sama naman sina Fred - na siyang nagmamaneho ng van, Pier at Choi sa pagmamanman. Ganoon pa man ay tulong tulong pa rin sila sa pagresolba sa misyon na ito. Mayamaya pa ay nagsalita na si Fred. "Maghanda na kayong lahat. At katulad ng napag-usapan natin ay pumwesto kayo sa inyo inyong mga nakalaan na lugar." saad ng pinuno nilang si Fred - siya ang namumuno sa misyon na ito. Narinig naman ng mga ito ang sinabi ni Fred mula sa mga wireless earphone nila. At sabay-sabay na sumagot rito. "Yes. Sir." sagot nila at n

