Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ko. Anak ng! Kasarapan ng tulog may manggugulo! Pinabayaan ko ang kumakatok sa pintuan ko at tinakpan ng unan ang buong mukha ko. "TIFFANNIE DE GUZMAN!" sigaw ng kung sino at mas lumakas pa ang katok kaysa kanina. K*ngina naman! Ang aga-aga pa! Padabog akong bumangon at inis na nagkamot ng batok bago binuksan ang pinto. "What?" Akalain mo 'yon? Kapag bagong gising pala ako ay napapa-english ako. Kaya kung hahamunin niyo ako sa english-an, siguraduhin niyong bagong gising ako. Magandang labanan 'yon! "At bakit ka nandito? Thursday pa lang ngayon, Tannie! Bumalik ka sa Manila at pumasok ka!" Tingnan mo nga naman. Ginising lang ako ni Tita para sa walang kwenta niyang sermon. "Walang pasok," tamad kong sagot at bumalik sa higaan ko. "

