Minsan talaga hindi ko makontrol 'tong t***k ng puso ko. Bakit kasi siya nagwawala ng kusa? Dapat pala nakikinig ako sa teacher ko sa science no'ng elementary. Para tuloy akong nabobo pagdating sa ganito. Marupok ka kasi. At 'yong pang-isa, marupok ako pero hindi kasing rupok mo. Char! Ngayon ko napatunayan na hindi sa lahat ng bagay ay pro ako. Hindi pala ako pro pagdating sa pag-ibig. Malay ko ba na may magkakagusto sa akin tapos aamin sa akin ng nararamdaman nila. Sorry maganda lang. Simula nang mapunta ako rito sa Manila, nagkandagulo-gulo na ang buhay ko. Okay pa naman buhay ko no'ng nasa San Matayog ako. Kasalanan 'to ni Tita dahil pinag-aral niya pa ako kitang ayaw ko na nga. Pero wala naman na dapat akong sisihin dahil nandito na ako eh. Siguro gano'n talaga kapag bida ka ng

