Nakatingin lang ako kay Tita at hindi alam ang sasabihin. Sa dinami-dami ng mga pwede niyang itanong na ine-expect ko, bakit 'yan pang tanong ang tinanong niya? Pa'no ko sasagutin si Tita? Hindi ko naman alam kung ano'ng sagot. 'Yan nga rin 'yong tanong ko sa sarili ko dati pero pinabayaan ko na lang. Tapos si Tita naman, 'yan pa ang naisipang itanong. "Hoy sagutin mo tanong ni mama." "We need answer, gurl." K*ngina talaga ng mga ugok kong pinsan. Hindi na lang manahimik sa isang tabi. Kung ano-ano pa pinagsasabi. Mga alulod! "Tita..." Panimula ko. "Ayan na ayan na!" Kuya Karl "Ihanda ang pusta!" Kuya Kyle Nanggigigil talaga ako sa dalawang anak nito ni Tita eh. Pasapak lang kahit isa. Isa lang talaga. Isang daan! "Pwede ko bang batukan isa-isa ang mga ugok niyong anak?" dugtong k

