Nag-umpisa na ang laro at tulad nga ng inaasahan ko ay palagi akong hinahatak nitong bruhang 'to. Tuwing titirahin niya ang bola ay susundan niya ito at malakas akong hahatakin. Kamuntikan pa akong masubsob kapag titira siya. Ilang beses nangyari ang gano'n at parang lumalala ata ang sama ng pakiramdam ko dahil sa kanya. "Ano ba?! Umayos ka nga!" Anak ng! Eh kung ikaw kaya ang masama ang pakiramdam?! Inirapan ko lang siya at naghanda ulit. Nasa amin ang bola at si Naomi na naman ang mag-seserve. Langya, hindi ko man lang naranasan na hawakan ang shuttlecock. Hindi ko rin naranasan pang i-spike 'tong raketa ko. Pa'no kasi siya lagi ang tumitira sa bola, siya rin palagi ang nag-seserve. Napaka ng g*gang 'to! Nasalo ni hokage ang tira ni Naomi at sa akin na ngayon papunta ang bola. Titi

