Ang dilim. Bakit ang dilim? Dilat naman ang mga mata ko pero bakit parang wala akong nakikita? Hindi kaya...bulag na ako?! Hindi pwede 'yon! Paano ako makakapagnakaw kung hindi na ako nakakakita?! Pero joke lang! Alam kong naka-blind fold lang ako. Hindi naman ako tanga katulad ng iba d'yan na sinasaktan na nga ng taong mahal nila ang dadamdamin niya pero minamahal pa rin. Kung magmamahal kasi kayo, siguraduhin niyong ang mamahalin niyo ay dependable, responsible, at loyal. Magmahal lang din kayo ng lubos kung alam niyong nasa mature stage na kayo pareho. Hindi 'yong mga bata pa kayo tapos nagmamahal na agad kayo, ibibigay niyo na lahat. Sinasabi ko sa inyo, magsisisi kayo sa huli. Mas okay nang ibigay ang lahat kapag seryoso na at mature na lahat. Isipin lagi ang future. Ay wow! G

