Napalunok naman ako ng aking laway nang wala pa rin sa amin ang nagsasalita. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking mga palad, pero pilit ko ‘yong hindi pinapansin. Minsan pa nga ay kinukurot ko ang aking mga daliri, para sana kahit papaano ay matigil ang pangangatal. Ngunit bumabalik pa rin kasi kaagad. Narinig ko naman siyang humugot nang malalim na hininga. Mukhang pati siya ay nababahala sa pananahimik naming dalawa, pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi ko naman alam ang sasabihin. Kapag naririnig ko kasing may umaamin sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya ako, at saka nakokonsensya, dahil hindi ko kayang i-reciprocate ang kaniyang nararamdaman sa akin. Alam ko naman na hindi dapat ako makaramdam ng guilt kung sakali. It’s normal naman na magkaroon ng feelings sa isan

