“Marianne!” magiliw na bati ni tita nang ako’y bumungad sa kanilang pinto. Hindi pa kami tuluyang nakapapasok sa bahay nila, pero ako kaagad ang kaniyang nakita. Hindi si Damian. Hindi ang mga magulang ko. Ako mismo ang nilapitan niya. Niyakap naman niya ako, habang naninigas ang aking labi sa nerbyos. Hindi ko kasi talaga inaasahan na nasa harapan ko ang mga magulang ni Damian, eh. Sino ba ang mag-aakala na makikita ko ang mga magulang niya? Wala. “Good afternoon po,” sambit ko, at niyakap pabalik si tita. Si Damian naman ay nasa tabi ko lang, at walang sinasabi para palayuin ang kaniyang ina. Kaya mas lalo akong nailang. Gusto kasi yata ni Damian na mahirapan ako, ha? Nang lumayo si tita, kaagad niyang kinausap ang aking mga magulang. Ni hindi nga nila pinansin si Damian sa tabi ko,

