Tumikhim ako, at inilayo ang aking mga mata sa kaniyang gawi. Medyo natatakot ako sa aking sarili ngayon, dahil baka mamaya ay hindi ko napapansin na nahuhulog na ako, dahil sa ginagawa niya. Alam ko naman na hindi dapat ako nagpapadala masiyado, pero hindi ko mapigilan. Sa tuwing nasa paligid ko siya, ang dami kong nararanasan na never kong naranasan sa ibang lalaki. Siya rin ‘yong lalaking wala pa siyang ginagawa, pero nandoon na ang kiliti, at kabang nararamdaman ko. Kaya nang halikan niya ako, pakiramdam ko ay nanginig ako sa nerbyos, at takot para sa aking sarili. Alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin—kung bakit ako nandito, at ‘yon ay ang alamin kung anong klaseng isla ba talaga ang mayroon ‘tong Love Island na sinasabi nila. Walang information ang islang ‘to sa internet, eh.

