HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3: UNINTENTIONAL Matthieus Morris Monférrer Kabanata 28 NAANTALA ANG napakasamang panaginip ni Anne nang maramdaman ang pagpisil sa kamay niya. Tila siya tumakbo sa daan-daang metrong layo nang magising siyang nahahapo’t pinagpapawisan. Napabangon siya at tarantang sinusuri ang sarili. Naghahanap ng mga sugat, latay o dugo sanhi ng sirkumstansya na nangyari lamang sa panaginip. “Anne, what's wrong, love? What's wrong?” Naroon ang matinding pag-aalala sa anyo ni Matthieus na napabalikwas mula sa ilang minutong pagkakaidlip sa tabi n’ya. Sinikap ni Matthieus na pigilan si Anne na wala sa sariling pinupunit ang mahabang sleeves ng suot nito. “I have cuts here, Matt!” Nagsimulang umagos ang mga luha ni Anne. “A g–guy, nagpakilala siyang Uncle ng ex-fiancée

