BELA'S POV
MORE THAN A YEAR LATER
"Hey Bee, ilang araw na lang gagraduate ka na," masayang sabi sa akin ni Hugo. Sa Monday na kasi ang Graduation rites ng aming university.
Its friday and as usual, nasa The Loft kaming lahat.
"Yeah, finally," i said to him feeling relieved sa isiping malapit na akong makatapos.
Pagod na rin ang utak ko sa pag-aaral. I think i might need to go on a rwvacation afterwards to get refreshed at para mag-enjoy naman ng walang ibang iniisip.
"Its a double celebration, you'll also be turning 20 2 days after your graduation," ani Chelsea.
"Hmmmmnn,"
"I just want a simple celebration guys. Yung kompleto tayo ayos na sa akin yun," saad ko sa kanila.
"What if we will all go to a vacation away from the city?" tanong naman ni Christian.
"Yeah, i think thats a good idea, since kelangan din natin ng konting pahinga from all the works we have," ani Alyana.
"Dun na lang tayo sa Batangas, sa resort ni Gio. I miss that place," sabi ko na sinang- ayunan naman nilang lahat.
Isang private resort yun na pag-aari ni Gio. Maganda na din yun para hindi gaanong malayo ang byahe sa pagpunta.
"Hey Blaire, are you going to come too?" tanong ni Hugo dito. Tahimik lang na nakikinig sa aming usapan.
"I'll check my schedule first. There's an ongoing project ang company ngayon. I need to be hands on to it," pormal niyang sagot.
"But Blaire, ever since Sam passed away, puro trabaho na lang ang inatupag mo. Ilang projects na ba ang natapos mo since then? You need to slow down. Take a rest. Give yourself some time to relax," sita ni Alyana sa kanya.
"Exactly brod, you're still young, it might not be soon but i know that you'll find someone else in the future to grow old with," said Christian.
"Sayang naman ang magandang lahi mo kung walang magmamana niyan bro," tumatawang singit naman ni Kenneth.
"Loko!" sagot ni Blaire dito kasabay ng magaang pambabatok.
"Oo na, sige na, sasama na ako," sabi din nito kapagkuwan na ikinatuwa ng lahat.
"Tamang-tama dahil may schedule ng hiking sa Mt. Macolod nun. Kaya be prepared dahil sasama tayo," ani Gio.
We all love adventures kaya excited at game ang bawat isa sa sinabi ni Gio. Ilang beses na kaming nag out of town as a group, and we all make sure na we try something new sa bawat pupuntahan naming mga lugar. Pinakahuli ay noong pagkatapos ng bagong taon. Nagpunta kami ng Bohol where we tried the longest and highest zipline sa bansa sa Danao Adventure Park. In contrast to what most people think na ang isang taong mayaman ay nagagawa ang lahat at nakukuha ang lahat ng kanyang gugustuhin, maraming bagay na ngayon lang namin nararanasan, like trying all sorts of extreme sports which im sure na hindi naranasan ng mga purely business-minded naming mga magulang. Sa mga bakasyon naming magkakasama, dun lang namin nai enjoy ang kalayaan namin lalo na sila na puro mga trabaho ang inaatupag. Kaya we make sure na lahat ng adventures na pwede naming gawin sa aming bakasyon ay gagawin namin.
"Let us have a toast para kay Bee," ani Christian na inilapag sa mga harapan naming ang aming mga inumin.
"Cheers!" we all said in chorus as each lifted our own glasses for a toast.
"Anyways guys, dont you think Bee, Blaire na may posibilidad na i push through ng mga parents niyo ang naudlot na arranged marriage niyo noon? Its almost 2 years naman na din na wala si Sam." ani ni Alyana out of the blue.
Hindi ko na nalunok ang iinumin ko sanang alak dahil bigla akong nasamid pagkarinig ko sa sinabi ni Alyana. Halos inihit ako sa kakaubo.
"A-a-alyana," ngunit diko maituloy-tuloy ang nais kong sabihin dahil patuloy pa rin ako sa pag-ubo. Medyo masakit din ang ilong ko dahil sa pagdaan ng alak doon pagkasamid ko.
"Here, drink some water," ani Hannah at iniabot sa akin ang isang baso na may lamang tubig habang hinihimas ang aking likuran.
"For real Alyana,?" tanong naman ni Blaire dito sa seryosong mukha.
"Whats wrong with what i asked? Posible naman yun diba? lalo pa at kayo naman talaga dapat ang ikakasal noon?" tanong pa nito ulit.
"Alyana, why all of a sudden bring that out. Its in the past already and im sure nakalimutan na yun ng mga magulang namin," agad kong sawata sa kanya.
"Bee, there's still a posibility, you know how our parents think," Alyana still persisted.
"Alyana,seriously? Dito pa talaga? baka nakakalimutan mo na nandito si Gio? Bela's happy with him, they're both happy together. So, what makes you think na maiisipan pa ng mga magulang namin ang kasunduang matagal ng nawalan ng bisa?" ani Blaire na ikinatawa nilang lahat, pati ni Gio, maliban lang sa aming dalawa ni Blaire.
"Whoa, whoa, whoa, wait a minute," natatawa pa ring turan ni Kenneth, sapo pa nito ang tiyan nito sa pagtawa.
" Dont tell us that after all these time, you really believed that prank that Alyana pulled years ago just to escape her parents plan of pushing her to go on blind dates,?" tanong ni Gio.
"What do you mean?" naguguluhang tanong pa rin ni Blaire bago lumingon sa akin. Bakas ang pagtataka sa mukha nito.
Naramdaman kong namumula ang aking mga pisngi.
"Sinabi lang yun ni Alyana, dahil pinipilit siyang ipa date ng kanyang mga magulang," kapagkuwa'y sagot din ni Alyana.
"Pwede ba, tama na yan. Wala pa lang talaga akong balak pumasok sa isang relasyon. Alam niyo naman kung gaano kahalaga sa akin na at least may nararamdaman man lang ako sa magiging boyfriend ko. And im still young anyways, i dont want to rush things out. I want to enjoy my life na wala akong iisipin na may magbabawal sa mga nanaisin kong gawin," sawata ko na sa kanila para matigil na ang diskusyong iyon.
Hindi nalingid sa akin na matamang nakatitig sa akin si Blaire pero wala akong lakas ng loob na tumingin sa kanya dahil ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng aking mga pisngi.