1

824 Words
Dahil bakasyon ngayon ay naisipan kung humanap muna ng mapapasukan kahit dalawang buwan lang para makaipon bago ako lumuwas ng maynila para sundan doon si nanay. Isang taon nalang din ay graduate nako sa kolehiyo,nagpapasamat talaga ako kay nanay dahil kahit papaano ay naitaguyod niya ako kahit mag isa lang siya. Maaga kasing nabalo si nanay ng mamatay si tatay sa sakit na leukemia kayat napilitan siyang mag trabaho abroad bilang caregiver ngunit pag katapos ng kontra niya roon ay dina siya ulit naka balik. Mabuti na lamang ay may kumuha kay nanay na isang mayamang lalaki para mag alaga sa isang ginang na may sakit at kakagaling lang sa operasyon sa puso. Mabait ang naging amo ni nanay at malaki ang naging sweldo niya doon,limang taon na siya ngayon doon at noong nakaraang taon lang ay pinasusunod na ako ni nanay para doon na magtapos sa kolehiyo. Pero kinailangan kupang ayusin ang problema sa maliit na taniman namim ng mga rambutan kaya't hindi ako natuloy lumuwas ng manila. Pero ngayon ay na ayos ko na ang lahat at naibilin ko narin sa tiyahin ko ang maliit namim taniman kaya't nag sabi na ako kay nanay nasa susunod na buwan ay luluwas na ako para doon na mag enrol sa huling taon ko sa kolehiyo. Mabuti na lamang ay inalok ako ni Maica na mag part time sa isang resort sa Laguna,kahit na malayo dito sa Cavite ay pinasukan kuna tutal stay in naman daw at libre rin sa pag kain ang mga empleyado. Nakapag paalam kana ba kay Darwin?pumayag ba siya mag trabaho ka doon sa pinapasukan ko?malayo iyon at isa pa ay stay in. Sunod-sunod na tanong sa akin ni Maica habang pinapanuod akong nag iimpake ng ilang mga damit para sa pag iistay-in ko roon sa trabaho. Nakapag-usap na kame pero tama ka hindi nga siya sangayon sa pagtrrabaho ko roon sa laguna,pero napilit ko naman noong sinabi kung makakasama kita roon. Si Maica ang head manager sa resort dalawang taon na rin siyang nagttrabaho doon kaya't nakakasigurado akong hindi naman ako mapapahamak doon isa pa ay magkasama naman kami sa magiging kuwarto ko. Sakatunayan ay may kaya sa buhay si Maica at kung tutuusin ay kayang magtayo ng sarili niyang negosyo ngunit dahil ayaw niyang umasa sa pera ng parents niya ay mag iipon muna daw siya ng sarili niyang pera .. Parehas sila ng katayuan sa buhay ng nobyo kong si Darwin may kaya at talagang nakaka angat,kasalukuyang alkade sa Bayan namin ang ama niya,ang nais nga niya ay ihanap ako ng trabaho ngunit tinanggihan ko dahil ayokong isipin ng mga tao na ginagamit ko lang siya para maka angat sa buhay. Pagkatapos kong makapag impake ay dumaan muna kame ni Maica sa tiyahin ko upang ibilin ang bahay,dahil baka isang buwan din akong mawawala,ng masigurado kung nasa ayos na ang lahat at tumuloy na rin kami ni Maica sa terminal para mag byahe papuntang Laguna. Gabi na rin ng makarating kame sa resort,dalawang hanay ng mga villa at tatlong malalaking pool ang nadaanan namin bago kami nakarating sa dorm na nasa loob sa dulong bahagi ng resort. Halos lahat ng empleyado ay maaring mag stay in dito kung malayo ang uuwian,sabi ni Maica mabait daw ang may ari ng resort at hindi lang iyon napaka guwapo pa daw. Dito ang kwarto natin Samantha,doon naman yung banyo meron tayong mini kitchen dito,pero kapag ayaw mo namang kumain at magluto dito pwede naman doon sa cafeteria. Wag kang maiilang dito okay,mababait lahat ng mga naka stay in dito,at kung may maka away ka man o ano,sabihin mo lamg sa akin at ako na ang bahala. Pagbibirong sabi sa akin ni Maica habang inaalis nito ang ilang gamit niya na nakalagay sa ibabaw ng kama na gagamitin ko. Okay na!ayan palitan mo nalang ng kobre kama yang kutson bago naman yan at dipa nagagamit ng kahit sino. Oo nga pala Samantha pasensya kana hah,ikaw lang muna matutulog dito ngayong gabi kasi mag dduty ako mamayang alas siete,hayaan mo kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako sa may front desk ng lobby makikita mo ako roon. Kompleto rin yung cabinet ng mga stock kaya di kana mahihirapan sa pag kain,sa atin itong buong kwarto pwede mong gawin lahat ng gusto mo wag kang maiilang o mahihiya okay ba.? Nakangiting sabi sa akin nito,pero halatang nag aalala na iwan akong mag isa sa unang gabi ko sa dorm niya.. Ano kaba naman Maica binebeybi mo na naman ako,oo na ako ng bahala at okay lang ako dito mag isa,promise okay lang sa akin sanay naman akong matulog mag isa no! Pagbibiro ko rin na sabi rito,para mabawasan ang pag iintindi sa akin at pag aalala. Matapos naming mag usap ay nagsimula nadin akong magligpit ng mga gamit ko at mag lagay ng mga punda at kobre kama,malinis naman ang buong kwarto kayat tanging ang mga gamit ko na lamang ang sininop ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD