6

872 Words
Pag kaparada ng service van ng resort ay mabilis na sumalubong sa amin si Maica para kamustahin at alalayan ako sa pagbaba ko ng sasakyan. Medyo hirap din akong lumakad gawa na rin ng ilang mga lapnos sa talampakan ko gawa ng sunog na nangyari. Kamusta ka Samantha?okay kana ba? May masakit ba sayo?Sunod sunod na tanong sa akin ni Maica ng malapitan ako nito . Nako ano kaba,okay na ako wala naman malalang nangyari sa akin,Naka ngiti kung sabi rito at bahagya pa akong umikot sa harap niya para ipakitang walang malalang pinsala sa aking katawan... Pag katapos ng ilang minutong pagkkwentuhan namin ay bumalik na kami sa dorm namin,at bago iyon ay nadaanan din namin ang villa na nilamon ng apoy kahapon Pansamamantalang isinara muna ang resort para sa pagaayos ng nasunog na villa . Nang makapasok sa loob ay pina upo ako nito sa gilid ng kama at inabutan ng tubig na maiinom at muling nagsalita. Samantha sigurado kabang ayaw mong ipaalam sa nanay mo ang nangyari saiyo?Nag aalalang tanong nito sa akin.. Satingin ko mas mabuting wag na lang natin ipaalam kay nanay,isa pa mag aalala lang iyon ng husto at baka mapauwi pa dito iyon ng wala sa oras.. Paano naman si Darwin?Pati ba sakanya itatago mo ang nangyari sayo? Saglit akong natigilan ng bangitin niya si Darwin ngunit mabilis rin akong umiling at sinabing wag na lamang iyon bangitin pa sakanya dahil tulad ng ina niya ay sobrang mag aalala ito sakanya. Para kay Samantha si Darwin na yata ang pinaka maalaga at mapagmahal na lalaking nakilala niya at dahil sa katangian niyang iyon ay mabilis na nahulog ang loob niya rito. Kaya alam niyang sa oras na mabalitaan ni Darwin ang nangyari sakanya ay baka mag alala ito ng husto. Sige Samantha kung ayan yung gusto mo makakaasa ka wala akong babangitin sakanya.Nakangiting sabi ni Maica pagkatapos ay tinapik ako nito sa balikat at nagpaalam na kailangan niya ng bumalik sa opisina ng resort. Hindi ko namalayan na mabilis lumipas ng oras,kung hindi lamang sa malakas na hampas ng kurtina sa aking mukha ay hindi ako magigising. Dahan dahan akong bumangon upang isarado ang bintana,pansin kong madilim sa labas at malakas ang hangin. Sinilip ko ang orasan na naka sabit sa pader at doon ko napagtantong alas tress na pala ng hapon,at naka limutan kong kumain ng tanghalian. Babangon na sana ako upang magluto ng makakain ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya't kinuha ko ito upang alamin kung sino ang tumatawag. Numero lamang ito kaya't nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi na lamang pero nagpasya akong sagutin dahil baka importanteng tawag iyon. Sa isang malapit na coffee shop ako nag punta upang hintayin si Sir William dahil siya ang tumawag sa akin sa cellphone upang ipaalam na iniimbitahan ako ng kanyang pamilya para sa isang salo-salo. Noong una ay todo tanggi pa ako dahil nahihiya ako sa pamilya niya ngunit wala nadin akong nagawa ng kulitin ako nito at ng sinabing gusto rin akong makita ng anak niyang si Marigold. Hi Samantha! Nainip kaba sa paghihintay? Nakangiting bungad sa akin ni Sir William ng makababa ito sa kotse na kanyang minamaneho. Hindi naman po ako naiinip saka tunayan kakarating ko lang din po rito. Nakangiting sagot ko sakanya at ginantihan din ako nito ng isang matamis na ngiti. Sa totoo lang di ako naiilang sakanya dahil napakagaan niyang kasama yung feeling na dika makakaramdam ng pressure pag sya na ang kaharap at kausap mo. Tama rin si Maica bukod sa pagiging mayaman ay talagang napaka guwapo ni Mr.Saavedra. Habang nasa byahe ay tahimik lamang ako, gustuhin ko man makipag usap sakanya ay tila umuurong ang dila ko sa hiya. Are you okay Samantha?Naiinip kaba? Tanong sa akin nito habang naka hinto ang sasakyan gawa ng mahabang traffic sa daan. Nako Sir,hindi po okay lang po ako,Nakangiti kung sabi rito at tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Siya nga pala pasensya na kung biglaan ang pagsundo ko saiyo ngayon araw,si mamita kasi gustong gusto ka ng makita dahil gusto niya raw magpasalamat sayo ng personal. Wala pong problema Sir, sakatunayan gusto ko rin ho silang makita dahil hindi ko sila nakita kagabi at kaninang umaga bago ako mailabas sa hospital. Umabot pa ng ilang minuto ang pag kkwentuhan namin dalawa ng muling umusad ang byahe,dahil gawa ng malakas na ulan ay lalong nagkabuhol buhol ang traffic at mag aalas sais nadin ng gabi ng makarating kame sa Mansion ng mga Legarda. Automatic na nag bukas ang gate at mabilis na nag abang ang dalawang gwardiya ng mansion upang payungan at bitbitin ang gamit na dala ni Sir William. Pag kahatid sa amin sa Entrance door ng Masion ay napukaw ang paningin ko dahil sa napakalaking kabahayan nito. Pag pasok pa lamang sa pintuan ay napaka lamig na hangin ang sumalubong sa aking mga balat,hindi na ako magtataka kung bakit ang puputi ng halos nakatira dito dahil siguradong bawat sulok ng mansion ay puno ng Aircon. Nilibot kupa ang paningin ko at hindi lang isang Wow ang na sambit ko sa isip ko habang lumalakad,at hindi ko na rin mabilang kung ilang pintuan ang nadaan namin bago kami umabot sa living area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD