4

1152 Words
Dahil sa nangyari sa akin sa party ng gabing iyon sa resort sa batangas ay halos dalawang araw din akong hindi pumasok sa trabho,at nagsabi na lamang akong masama ang pakiramdam ko. Sa sobrang pag iisip ay hindi ko namalayan na naka idlip ako sa aking kama,naalimpungatan lamang ako ng maramdaman kung nahihirapan akong makahinga. Halos hindi kuna maimulat ang mga mata ko sa kapal at itim ng usok na bumabalot sa loob ng kuwartong tinutulugan ko, Bigla akong kinilabutan ng maisip kung may nasusunog at dahil maliit lang ang kuwarto namin ay alam kung hindi rito nag mumula ang sunog kundi sa ibang kuwarto. Rinig ko ang malalakas na sigawan sa labas,kahit hirap na akong imulat ang mata ko sa kapal ng usok ay pinilit kupa ring makalabas ng kuwarto. Pag bukas ko ng pinto ay mas nahintakutan ako ng makita kung halos lamunin na ng apoy ang villa na malapit sa kuwarto namin. Dahil kahit papaano ay kabisado ko na ang pasikot sikot na puwedeng daanan ay mas pinili kung dumaan sa likod na bahagi ng nakahalerang mga villa. Ngunit pag tapat ko sa isang pinto ay napansin akong may humahampas ng malakas sa pinto ng kuwarto sa loob. Halos katabi lang nito ang villa na nilalamon ng apoy,kung hindi ko ito tutulungan ay siguradong mamatay ang tao sa loob. Pinihit ko ang door knob sa may main door at bumukas naman iyon kaya't nagtataka ako kung bakit hindi pa lumabas ang ginang na nasa loob. Kahit naguguluhan ay pinasok kupa rin ito sa loob,ng makalapit ako ay mabilis kung hinatak ang kamay nito para akayin palabas ngunit pinigilan ako nito at tila may nais sabihin. Ngunit dahil puno na ng usok sa loob ay halos kapusin na ito ng hininga kaya't tinuro na lamang nito ang batang naka higa sa loob ng kuwarto. Tila tinambol ang puso ko sa lakas ng kabog,ng makita ko ang batang wala ng malay,gumagapang na ang apoy sa sofa sa may sala kaya't,nag desisyon akong ilabas muna ang ginang bago pa ito mawalan ng malay. Pag kahatid ko sa sakanya sa labas sa may gilid na bahagi ng kabilang villa ay mabilis ko namang binalikan ang bata. Pumasok ako sa loob ng banyo at kinuha ang tuwalya at niloblob sa tubig para mabasa,pagkatapos ay pinalibot ko iyon sa katawan ng bata hangang sa may ilong nito para hindi mahirapan huminga at hindi mapaso ang katawan. Mahapdi sa mata at halos diko na mamulat ang mata ko, mainit narin ang pakiramdam ko ng binagtas namin ang kalagitnaan ng sala na nilalamon na ng amoy. Nakayapak kung nilandas ang kabahayan,halos malapnos na ang mga paa ko sa sobrang init ng sahig. Pakiramdam ko tutumba na ako sa hilo bago at pa kami makalabas ng villa,buti na lamang ay may naaninag na akong tao na sumalubong saamin bago pako tuluyang mawalan ng malay. ********* Ramdam ko pa rin ang bahagyang pag kirot ng ulo ka ng sandaling magising ako, Tila kinikilala kupa ang lugar kung nasaan ako,hanggang sa may humawi ng kurtinang puti sa may gilid ng hinihigaan ko Good evening Ms.Sarmiento mabuti naman ho at nagising na kayo,meron ho bang masakit sainyo? Tanong sa akin ng nurse na babae na may dala ng ointment at pinahid iyon sa bandang paanan ko,at doon kupa lang napagtanto na nasa hospital ako ng mga sandaling iyon. Ah Ms .matanong ko lang po,bakit ho ba ako nandito?at sino po ang nagdala sa akin dito? Ah sila sir William po ang nagdala sainyo dito,kasi ho nawalan kayo ng malay kanina sanhi ng mga usok na nalanghap niyo. Mabilis namang rumehistro sa isip ko ang naganap na sunog,kayat muli akong nagtanong sa nurse na kausap ko Ms.teka lang po,yung bata?nasaan napo yung batang kasama ko kanina?at yung ginang,nasaan na ho sila. Don't worry Ms.Sarmiento okay nadin po silang dalawa at kasalukuyan nadin pong nagpapahinga sa kabilang ward. Okay napo at nalagyan kuna lahat ng paso niyo sa paa,magpahinga lang po kayo para makabawi kayo ng lakas. I press niyo lang po itong button kung may kailangan po kayo para mapuntahan po agad namin kayo. Itinuro nito ang isang green button sa may kaliwang bahagi ng uluhan ko,tumango naman ako dito at nagpaalam nadin itong umalis. Ilang minuto pag ka alis ng nurse ay bumangon ako upang silipin ang kabilang ward.Hinawi ko ang kurtina ay saktong may humawi rin noon. Isang maputing lalaki at mas mataas kesa sa akin,ngumiti ito ng makita ako at inalalayan maka tayo. Oh,wait kaya muna ba? Malambing na tanong nito sa akin at muli akong pina upo sa kamang hinihigaan ko,medyo naiilang ako sakanya ng hinawakan nito ang braso ko kaya't mabilis ko itong iniwas. Oh I'm sorry ms.Sarmiento,by the way my name is William Saavedra,i am the owner of Hanna Bella Resort. Sa sinabi nito ay bigla akong nakaramdam ng hiya,hindi ko naman akalain na siya pala ang may ari ng resort na pinapasukan ko. I'm sorry po,hindi kupo kayo nakilala agad,pasensya napo talaga. Paulit ulit akong humingi ng sorry dito,at panay yuko sa harapan nito,ngunit sadyang mukhang hindi ito marunong magalit o ano at panay lang itong nakangiti. By the way,parang ngayon lang kita nakita sa resort,isa kaba sa mga bagong empleyado roon? Malambing natanong sa aking nito at tumango naman ako sakanya. Opo sir William kakaisang buwan ko palang pong nagttrabaho roon,isa po ako sa mga reliever crew sa cafeteria. Reliever?so you mean hindi ka rin magtatagal roon? Ah opo sir,mga dalawang buwan lang po siguro at pag katapos po noon ay luluwas na ako upang makapag enrol para sa huli kung taon sa kolehiyo. Oh sounds good, ang father in-law ko ay nagbibigay ng scholarship taon-taon pwede ka namimg matulungan sa pag aaral mo. Nako! Sir salamat po pero hindi napo kailangan,sakatunayan ay pinag aaral narin po ako ng amo ng nanay ko mula ng tumuntong ako sa kolehiyo. Salamat po sa alok niyo at salamat din po sa pag dala saakin dito sa hospital . No.ms.Sarmiento kami ang dapat mag pasalamat saiyo dahil sa ginawa mong pagliligtas kay mamita at sa anak ko. Ho?anak?ibig niyo po bang sabihin anak niyo po yung batang iniligtas ko? Yes, she's my daughter. Kamusta na ho siya,sakatunayan po pupuntahan ko siya sana kanina kaso bigla kayong dumating. Don't worry about her,nagpapahinga na siya ngayon at bukas pwede mo na rin siyang makita,but for now much better na magpahinga kana muna rin. Malambing at nakangiting turan nito sa akin at bahagya pa nitong tinapik ang kanang balikat ko. Siya yung tipo ng taong mukang hindi mahirap pakisamahan,sa totoo lang ilang minuto pa lang kaming nagkakausap ay magaan na ang loob ko sakanya. I can't imagine na may anak na siya,dahil napaka bata pa ng mukha niya,well natural lang naman sa mayaman ang mag mukhang bata kahit my edad na,.. Pag kaalis ni sir William ay humiga nakong muli at pumikit hanggang sa yakapin na rin ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD