𝙼𝙷𝙰𝙻𝙴𝙴 02

1208 Words
--* 𝙼𝙷𝙰𝙻𝙴𝙴 π™ΏΓ˜πš… π™Ίπ™Έπ™½π™°π™±πš„π™Ίπ™°πš‚π™°π™½, pinuntahan ako ng boyfriend ko bago pumasok sa trabaho. May dala siyang almusal para sakin. Palagi siyang nagdadala, sa tuwing papasok siya sa work. May tinda kasi sila ng almusal sa umaga ng mama niya. " Thank you babe." Nakangiti kong saad sa kanya, sabay yakap dito. " Your welcome, babe. Pasok na ako sa work." Saad nito saka muli akong niyakap at hinalikan sa labi. " Ingat ka." Wika kona may ngiti sa labi. Mahal na mahal ko si Raven dahil kababata ko siya at limang taon na kaming magkarelasyon. Kasal na lang ang kulang, ngunit ayaw ko pa magpakasal dahil wala pa kaming ipon. Ayaw kong magpakasal na walang ipon. Ayaw kong mabuhay ng naghihirap. Mahirap na nga ang pinanggalingan ko, mahirap parin ang kinabukasan ko. Dapat may ipon muna kami bago kami lumagay sa tahimik. Nang makaalis na si Raven ay pumasok na ako sa loob ng bahay at pumunta sa kusina saka nilagay sa mangkok ang dalang champorado. Paborito ko ang champorado, kaya palagi iyon dinadala ng boyfriend ko. Kumakain ako ng lumapit sakin ang pamangkin kong si Aika, habang kinukusot ang mga mata. " Hi, tita." Malambing na bati niya sakin. " Hello, kain ka?" Tanong ko naman sa kanya. Kaya naman siya lumapit sakin ay gusto niya talaga makikain. " Opo." Magalang na sagot niya sakin. " Halika." Aya ko saka pinaupo sa tabi ko. Tapos ay nilapit ang mangkok sa kanya. Palaging nagugutuman ang mga pamangkin ko dahil napaka-tamad ng tatay nila. Kaya kapag merun ako ay hindi ko sila natitiis at binibigyan ko sila. Malapit sakin ang dalawang bata, lalo na si Aika. " Kain." Nakangiti kong sambit ng lumingon siya sakin. Ngumiti naman ang bata, at nakita ko ang sira-sira niyang ngipin. Hindi kasi magawang sepilyuhan ng nanay nito. " Akin na lang po ito?" Tanong pa niya sakin. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Hindi pa naman ako gutom, if magutom man ay may pera naman ako dahil binibigyan ako ni Raven ng pera. " Hi, beshie." Napalingon ako sa may pintuan ng bahay ng marinig ko ang boses ni Mel, kaibigan ko. Kaibigan ko na siya, since ng mga bata pa kami. Nagtatrabaho rin siya sa palengke. Kasama ko siya dati, pero naiwan siya doon. " Ay, tulog pa." Sambit nito ng makitang tulog pa ang kuya ko, at ang pamilya niya. " Wala kang pasok?" Pag-iiba ko ng usapan. " Wala, day off ko. Kailan kaba babalik? Wala tuloy akong kausap do'n." Tanong niya sakin, habang nakanguso at binati ang pamangkin ko. " Hi, Aika." " Hello po ate." " Hindi na ako babalik do'n. Monggoloid ang amo natin, pagselosan ba naman ako." Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. " Ganda mo kasi." Nakatawa naman nitong saad sabay haplos sa balikat ko. " Talaga." Mayabang ko naman sagot na may ngiti sa labi ko. " Patay na patay nga sakin." Dagdag ko pa. " Edi ikaw na." Pairap na sabi niya sakin. May boyfriend rin naman ang kaibigan ko. Boy sa palengke. " Ano pala ang ginagawa mo dito?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya. " Wala, makikitambay lang. Boring sa bahay. Ang iingay ng mga tao doon." Nakasimangot na sabi niya saka naupo sa tabi ko. Tapos ay bumulong sakin. " Kaloka 'yang utol mo. Ang sarap ng buhay." Napairap naman ako sa hangin dahil sa kanyang sinabi. " Sinabi mo pa. Si nanay kayod ng kayod, siya nakahilata lang." Paismid na wika ko pa. " Dapat bumubukod na sila dahil may pamilya na siya." Pakikipag-tsismiss pa nito. Kahit andiyan si Aika, sabagay hindi naman nagsusumbong ang bata. " Hayaan mo siya. Si nanay naman kasi ang may kasalanan kong bakit ganyan 'yan." Inis na sabi ko. Naiinis talaga ako dahil palamunin ang kuya ko, kasama na ang pamilya niya. Kung hindi lang ako naaawa sa mga bata, baka pinalayas kona sila dito. Pero naaawa ako sa mga pamangkin ko. Hindi naman ako gano'n kasamang tiya sa kanila. " Paano 'yan? Saan ka magwowork? Balik kana kasi sa amo natin. Para naman may kausap ako." Saad nito na niyugyog pa ang isa kong braso. " Ayaw ko nga." Mariin ko naman sambit. " Hindi ako babalik do'n. Sa ibang amo, baka pwede pa. Pero ayaw ko pang magtrabaho. Andiyan naman si Raven, binibigyan naman ako ng pera." " Ay, wow. Sana all. Baka magsama na kayo ah?" " Hindi." Nakanguso kong sagot sa kanya. " Hirap na nga kami, tapos magsasama agad kami. Gusto ko muna mag-ipon." " Paano ka mag-iipon? Wala ka nga'ng trabaho." Saad nito sa kanya. " Kalma ka lang, maghahanap 'din ako ng trabaho." Nakangiti kong saad sa kanya. Maghahanap naman ako ng trabaho. Sa ngayon ay nagpapahinga lang ako. Tagal kona rin kasi nagtatrabaho, pero wala manlang ako naiipon dahil napupunta lang sa bahay. Paano ba naman, nakasiksik samin ang pamilya ng kuya ko. Kaya wala kaming naiipon ni nanay. " Hayaan mo, kapag may bakante pa sa mga kakilala ko. Sabihan kita." Sabi ni Mel sakin. " Sige salamat sis." Nakangiti ko naman wika, at nakita kong nagising na ang mga pasarap buhay. Inaya kona si Mel sa labas ng bahay. Ayaw kong makipag-plastikan sa kanila. " Kaloka ang kuya mo no? Naattempt niyang hindi magtrabaho. Kawawa naman ang nanay niyo." Sabi agad ni Mel sakin ng makalabas na kami. Huminga naman ako ng malalim sabay ayus ng buhok ko. " Kaya nga eh, naaawa na ako kay nanay. Gusto ko ng magtrabaho para tulungan siya. Pero kapag naiisip kong nakaasa si kuya samin, nawawalan ako ng gana." Muli ay buntong hininga ko. Tapos ay pumunta kami sa tindahan para bumili ng yosi. Ang ingay ng paligid dahil andiyan na naman ang mga tsismosa at nakatambay na naman. Nag-aabang na naman ng mai-chichismis. Ganito sila, palibahasa ay skwater ang lugar na ito at nandito nakalungga ang maraming tsismosa. Pagmulat palang ng mga mata ay nakatambay na sila sa labas ng bahay nila at nagchichismisan na. Hinithit ko ang yosi na binigay sakin ni Mel, nilibre niya ako saka softdrink. Wala pang laman ang tiyan ko, pero nagso-softdrink na agad ako. Pero sumubo naman ako kanina ng champorado. Isang subo nga lang, may asungot kasi, char. Muli ay naglakad kami patungo sa may tulay at tumambay doon. Doon kami palagi tumatambay ni Mel, dami kasing gwapo char. " May tita pala ako nagtatrabaho bilang maid. Gusto mo ask ko siya kung need nila ng isa pang katulong?" Maya-maya'y tanong sakin ni Mel. " Sige ba, ayaw kona rin bumalik sa palengke." Wika ko. Ayaw kona talaga dahil marami akong kaaway. " Sige, kapag umuwe siya mamaya. Stay out kasi siya." " Stay out? Pwede na sakin 'yun." Kapagkuwan ay sabi ko para naman nakakasama ko pa ang bebe ko. " Sige, alam mo bang malaki ang sahod?" " Talaga?" Parang nanglake ang mga tenga ko sa narinig. Kung malaki ang sahod, G ako diyan. Sa palengke kasi, ang liit ng sahod. Hindi nakakabuhay ng pamilya. " Oo." Sagot naman nito, kaya napangiti ako. Mukha talaga akong pera. Sabagay, ang hirap kaya ng buhay ngayon. At kahit sino naman, mukhang pera. Hindi lang naman ako. Nanay ko nga 'din mukhang pera. Ako pa kaya? πš‘πšŠπš‘πšŠ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD