ELEVEN am na ay wala pa rin ang binata, kaya naman nag tataka na si Senyora Barbara.kung ano ang pinag kakaabalahan nang anak niya.
“Malaki na at binata na si Ariel, hindi na bata ang apo ko Barbara” ani ni Donya Lygia. Dahil katatapos lang tawagan ni Barbara ang mga kaibigan nang anak. Subalit sinabi nang mga ito na hindi nila kasama si Ariel
“hindi nanga siya bata Mama.. Pero wala na ang daddy niya...kaya ngayon ko sya kailangan at kailangan na niyang ipag patuloy ang mga naiwang business nang Daddy niya. Hindi 'yung uuwi lang sya kung kailan niya gusto, pagka tapos niyang pumunta sa kung saan” mahabang sabi ni Barbara sa ina.
“hayaan mo muna si Ariel, hindi madali sa kaniya ang pagka wala nang daddy niya. At isa pa'y hindi pa sya graduate sa pag-aaral. Paano niya pag sasabayin ang negosyo sa pag-aaral.. Habang hindi pa nakaka pag graduate ang apo ko. Ikaw na muna ang mag patakbo sa naiwan nang asawa mong mga negosyo” sagot ni Donya Lygia
“I can't Mama, alam niyong hindi ko kayang mag patakbo nang negosyo. Baka bumagsak lang kapag ako ang namahala sa mga naiwan ni Taburo.”
“kaya si Ariel lang ang puwedeng pumalit sa Daddy niya. Ano nalang iisipin nang pamilya ni Elice kapag nalamang pag liwaliyu lang ang alam gawin ni Ariel. My gad! Nakakahiya sa mga Dalgan” saad pa ni Barbara
“pakealam ko sa kanila at huwag mongang ipag pilitan ang Elice na iyon sa apo ko. I don't like her para sa unico-ijo ko” ani ni Donya Lygia
“at sinong gusto niyo? Yung anak nang labandera natin. Ang anak nang mutchacha na yun?. Gandang mukha lang meron sa kanila Mama. Hindi nababagay ang Faith na yun sa anak ko.” matigas na sagot ni Barbara sa ina.
“kahit anong sabihin mo, siya ang gusto ko para sa apo ko.. At bakit ba ganyan ang ugali mo…alalahanin mo nang galing rin tayo sa hirap Barbara. Kaya huwag kang maging matapobre” galit nang sabi ni Donya Lygia at umalis na ito.
Samantala sa kabilang dako naman ay titig na titig si Ariel sa napaka gandang babaeng natutulog. Naka ngiti niyang pinapanuod ang mukha nang dalaga habang ito ay natutulog.
'Now I found you, hindi na kita papakawalan. You're mine.. Only mine' mapang Angkin na ani nang isip nang binata
Hindi sila magka tabi nang dalaga matulog, pero nasa iisang kuwarto lang sila. Nasa Kama ang dalaga habang sa sahig naman natulog ang binata.
“I can't swim…help…help…help I'm here help!” ani nang dalaga at may luhang lumabas sa naka pikit nitong mata. Kaya napa kunot-noo ang binata at niyug-yog niya nang mahina ang balikat nang dalaga.
“Faith, wake up! Faith” ani ni Ariel at pilit ginigising ang dalagang umiiyak, habang ito ay natutulog.
“Please Help us!” ani ulit nang dalaga at napapasigaw na ito, habang umiiyak at naka pikit parin. Kaya naman nilakasan na ni Ariel ang pag yugyog sa dalaga. Dahilan upang mapa mulat ito nang mata.
Pawis na pawis si Faith at luhaan parin ang mga mata niya nang magising siya. “A—Ariel!” basag ang boses na ani ni Faith sa binata at wala sa sariling nayakap niya nang mahigpit ang binata.
“Nanaginip ka…sandali ikukuha kita nang tubig” ani nang binata. Ngunit mas lalong hinigpitan ni Faith ang pagkakayakap nito.
“Please huwag kang umalis. Dito kalang” ani nang dalaga at unti-unti na itong nahihimasmasan.
Ilang minutong naka yakap lamang ang dalaga kay Ariel. At mabuti na lamang ay naka upo siya kaya naman hindi halatang tinitigasan na naman sya. Dahil sa pagkaka yakap sa kaniya ni Faith. Mas lalong nag iinit ang binata nang maramdaman niya ang dalawang malaki at malaman na hinaharap ni Faith. Walang suot na b*a ang dalaga at tanging manipis lamang na T-shirt ang pang tulog nito. Kaya naman maging ang dalawang ulo nang bundok ay nararamdaman rin niya. Kaya naman lihim na napa lunok nang laway ang binata tsaka napa tiim bagang. Dahil sa labis na pag pipigil.
Hindi niya napansin ang suot nang dalaga. Dahil duon lamang sya naka focus sa magandang mukha ni Faith.
“Pa-pasensya kana…na-naginip kasi ako, sobrang samang panaginip” ani nang dalaga at pinunasan ang mga luha sa pisngi nito. Kinuha naman ng binata na pag kakataon ang pag hiwalay nila ng dalaga. Tumayo si Ariel at kumuha nang isang basong tubig para sa dalaga.
“Salamat” ani ni Faith matapos niyang inumin ang tubig na binigay ng binata.
“can I ask, kung ano ba 'yung napanaginipan mo?”
Sandaling natahimik ang dalaga at inalala lahat ng mga nakita niya sa kaniyang panaginip. “Mga bata, maraming mga bata, nakita ko ang sarili ko,…sa malaking barko tapos…tapos nag maraming putok nang b***l at ang lakas nang ulan…may nakita akong lalaki, hindi ko maaninag ang mukha niya tapos…tapos nahulog ako sa dagat” kunot nunong pag sasabi nang dalaga.
“may tinawag kang Daddy at nag sasalita ka nang English…sino kaba talaga?” nag tatakang sabi nang binata
“hi-hindi ako totoong anak nina Inay at Itay.. Inampon lang nila ako.. Wala akong ma alala sa lahat nang naka raan ko, nung bata Pa ako. Hindi ko alam ang pinanggalingan ko at ang totoo kong pangalan. Iyan ang totoo Ariel” pag aamin ni Faith.
“gusto moba silang hanapin? Puwede kitang matulungan. Marami akong kilala na makaka tulong sayo” ani nang binata
“si Nanay Angel ang gusto ko munang makita—
Hindi na naituloy nang dalaga ang kaniyang sasabihin nang mag Ring ang cellphone nang binata.
“Si Mommy…sandali sasagutin kulang” ani nang binata tsaka tumayo at lumabas nang bahay.
Samantala naiwan namang napapatulala ang dalaga at pilit inaaninag sa isipan niya ang lalaking tinawag niyang Daddy at Napapaisip sya kung totoo ba lahat nang mga nakita niya.
“Faith, kailangan ko nang umalis.. Babalik ako mamaya dito ha” ani nang binata ng maka pasok ito nang bahay at ibinulsa ang cellphone nito.
“si-sige salamat, mag-iingat ka” tugon nang dalaga at nanlaki ang mga Mata niya nang halikan sya ng binata sa noo.
Samantala sa kabilang dako naman ay ka usap ni Mrs Sharina Santiban Follox ang sister-in-law niya na si Sherin Santiban. Magka usap sa video call ang mga ito upang batiin ni Mrs Follox si Elice na inaanak nito. “So kailan ka babalik dito? Nakita ko ang post ni Elma, mukhang enjoy na enjoy kayu d'yan sa Paris ah.” ani ni Sharina
“Hahaha Oo Ate, sobra at pupunta pa kami sa London para sa Swimming competition ni Elice” naka ngiting tugon ni Mrs Sherin Santiban.
“napaka talented talaga nang anak ni Elma, haaayst kung katulad lang sana sya ni Violet, hindi ako mag aalala araw-araw kung naka uwi na ba sya gaing sa pag ha hiking niya sa mga bundok” ani ni Sharina at napapailing na lamang nang banggitin nito ang anak na panganay na babae.
“photographer ang anak mo at artist kaya kailangan talaga niya mag hanap nang magagandang view ate.. By the way nasan nga pala si Kuya Josef?”
“nasa Zamboanga, meron syang iniimbistigahan na batang babae. At kamukha monga nung dalaga ka pa” wala sa sariling sabi ni Sharina at nanlaki ang mga Mata nito dahil sa kaniyang sinabi. Hindi niya sinasad'yang madulas ang madaldal niyang bibig sa kapatid
“anong sabi mo ate? Batang babae na kamukha ko?” hindi maka paniwalang sabi ni Sherin. At kita sa mga Mata nito ang pagka sabik at pangungulila. Namasa rin ang mga Mata nito “Ate ano yung sinabi mo? Batang babaeng kamukha ko…saan?” ani ni Sherin at halata sa tono nito ang pagka sabik..
“ha? May sinabi ba akong ganun? Nabibingi kana ata Sherin eh” pagkakaila ni Sharina at hindi ito maka tingin nang tuwid sa camera.
“ate naman, malinaw pa sa hilik nang asawa ko. Ang sinabi mo…rinig na rinig ko ate…ano yung sinabi mo?” ani ni Sherin at hindi na nito napigilan ang mapa iyak.
“sandali tawagan kita mamaya Sherin. May gagawin pa pala ako emmuwa, mag-iingat ka lagi d'yan..i miss you” mabilis na pag dadahilan ni Sharina. Dahil alam niyang hindi niya kayang makitang umiiyak si Sherin. At paniguradong mapapa amin talaga sya nito
“haaayst napaka daldal ko talaga...naku! Lagot na naman ako nito sa asawa ko...parurusahan na naman niya ako mamayang gabi. Overnight walang tulugan.” ani ni Sharina at napapa kagat ito sa kuko nang daliri niya.
Habang sa kabilang dako naman ay napa tiim bagang ang isang lalaki, matapos nitong marinig na umiiyak ang asawa nito. Sa lahat nang pinaka ayaw ni Paul Santiban ay ang marinig o makitang umiiyak ang kaniyang asawa. Mula sa suot ni Sherin na hikaw at kwintas na may naka kabit na video, audio camera device ay narinig at nakikita lahat ni Paul ang ginagawa at napapag usapan nang asawa. Kaya naman rinig na rinig niya ang sinabi ng kapatid niyang si Sharina dito.
Kinuha nang lalaki ang isang Cellphone nito at tinawagan ang kanang kamay na tauhan nito “Rayan, Pumunta kayo ni Marco sa Zambonga at alamin niyo kung bakit naruon si Josef” utos nito sa tauhan
“Sinong Josef Boss…si Mr Follox ba na asawa ng kapatid niyo?” nag tatakang sabi ng kausap
“D*mn kailangan ba paulit-ulit Rayan? May kilala kapa bang ibang Josef?” ani ni Paul Santiban, umiigting na ang panga nito, dahil hindi parin niya maalis sa isip ang mukha nang asawa niyang umiiyak
“Opo boss, marami po akong kilalang Josef—
“D*mn, Kailangan mamaya malaman kona ang sagot sa pinag uutos ko!” ani ni Paul at hindi na niya pinatapos ang Madaldal niyang tauhan. Pagka tapos nitong maka usap ang tauhan ay tinawagan naman nito ang asawa. Isang Ring pa lamang ay sumagot na ito
“Hi Baby…how are you?”
“Bago lang tayo nagka usap Tanda. I'm okey” sagot nang asawa at parang na e -imagine ni Paul ang mukha nang asawa. Paniguradong naka simangot na naman ito
“are you sure Baby? I know you're not okay baby.. I want to see you right now”
“Tanda, kaka video call lang natin kanina—
“open it Baby…I want to see you.. Pag di ako naka pag pigil pupuntahan kita d'yan” pag pupumilit ni Paul.
“Okey okey fine... Heto na bubuksan na—ohh Happy?” ani ni Sherin matapos nitong e on ang Video Cam
“d*mn d*mn.” mahina at paulit-ulit na mura ni Paul at umiigting ang panga nito dahil sa galit. Galit sya dahil nakikita niyang umiyak talaga ang asawa niya
“minumura mo ako tanda?!” ani ni Sherin at halos mag salubong na ang kilay nito.
Ang kaninang madilim na awra ni Paul ay biglang lumambot at umamo ang kaniyang mukha. Dahil mukhang nagalit niya ata ang asawa niya.
//Continue