KALAT NA KALAT sa buong bayan ang tungkol sa pagka matay nang Alkalde, maging nang mga kasama nito sa pulitika. Maraming nag luksa at nalungkot para sa sinapit nang butihing Alkalde.
“Inay saan ho kayo pupunta?” ani ni Faith, nang mapansin nitong naka bihis ito na animoy may pupuntahan. Kita rin ang lungkot sa mukha nito.
“Anak, wala na si Mayor, pupunta ako sa kanila. Para tumulong sa mga gawin roon. Paniguradong maraming mga taong pupunta at makiki ramay. Narin. Hindi kaba sasama?”
“talaga ho! Bakit…pe-pero…hindi na ho Nay, baka mas lalo lang ako mapag tsismisan kapag nakita ako duon. At paniguradong nandun rin po ang Apo ni Donya Lygia. Nako! Hindi kopa yun nakaka harap. Kaya hindi napo Nay. Nahihiya po ako, kayo nalang po.. Tsaka kailangan ko pong mag review para sa parating na Exam namin sa maka lawa” mahabang tugon ni Faith.
Kahit nagulat sa nalamang balita at gustohin maniyang sumama ay hindi niya parin magawa. Dahil pinangungunahan sya nang takot at hiya. Hindi pa sya handa ulit na maka harap si Senyora Barbara at mas lalong hindi pa sya handang maka harap ang Anak nito. Na gusto ni Donya Lygia na mapang asawa nya.
Hindi niya rin mai-magine kung paano niya haharapin ang binata at kung paano niya ito pakikitunguhan. Hindi niya rin alam ang mukha nito at pag uugali. 'Baka nag mana pa yun nang sama ng ugali kay Senyora Barbara…nako edi mas lalong kawawa ako. Kaya Hindi na, hindi na ako manga-ngarap na makita pa siya. Kahit siya pa ang first kiss ko' ani nang isip ni Faith.
'Nako ang sabihin mo, in love kana dun sa Chinitong Hapon, kaya gusto monang kalimutan yung First kiss mo. Este Future asawa mo raw sabi ni Donya Lygia hahahahaha' demonyitang saad naman nang kabilang isip ni Faith. Kaya naman napapa iling na lamang sya nang ulo.
“sigurado kaba anak?” paninigurado ni Angel. Dahil nakita nitong naguguluhan ang mukha nang anak.
“Opo Inay”
Samantala papunta naman ang matandang general na si Mr George, sa Zamboanga upang dumalo sa lamay. kasama nito ang apat na tauhan, maging ang dalawa niyang Apo na sina Patrick at K. Habang nasa sasakyan ay naka tanggap sya nang mensahe mula sa kaniyang private investigator. Sinuot muna nito ang salamin na may grado tsaka binasa ang nilalaman niyon. Ganuon na lamang ang pagka bigla nang damdamin ni Mr George nang mabasa ang nilalaman niyon. Si Faith Catillo ay hindi totoong anak nang mag-asawang kinikilala nang dalagang magulang nito. Iyon ang nilalaman nang report. Na labis na nag paasam sa damdamin nang General. Dahil malakas ang kotob niyang ito ang nag-iisang babeng apo niya na matagal nang nawawala.
Pagka rating pa lamang nila ay naagaw na agad nila ang pansin nang mga Tao ruon. Nag bigay galaring rin ang mga ito, sa pamamagitan nang pag yuko at ang iba naman ay sumaludo sa General.
Nang maka upo ay hinanap nang mga Mata ni Mr George si Faith. Sa pangalawang pagkaka taon ay gusto niya itong makita. At gusto niyang maka kuha nang sample para mapa DNA niya ito. Ngunit mag-iisang oras na sila roon ay hindi parin niya nakikita ang dalaga. Bagkus ay tanging si Angel lamang ang napansin niya at wala roon ang dalagang si Faith. Kaya naman naka ramdam nang pagka bigo si Mr George.
“Lo, pansin ko…kanina kapa naka tingin sa babaeng iyon ah... Hmmm she's beautiful and young pa Lolo—
“Tumigil ka K. Mali ang iniisip mo.” putol ni Mr George sasabihin nang Apo. Kaya naman napa tikom ito nang bibig at pilyong nagka tinginan ang mag pinsang K at Patrick.
Samantala, hindi naman kayang tignan ni Ariel ang kaniyang ama na nasa loob nang kabaong. Kaya naman umalis sya sa lugar na iyon. Hindi pa rin matanggap ni Ariel na ganun-ganun lamang nawala ang Daddy niya. Gusto niyang may managot sa pagka matay nang daday niya. Pero Hindi naman niya alam kung sino at kung saan niya mahahanap ang mga taong pumatay o nag papatay sa Daddy niya. “Ahhh!” umiiyak na sigaw ni Ariel tsaka tinapon ang hawak na beer can. Naka limang beer cans na ito. Kaya naman nalalasing na ito. Ngunit panay parin ang pag luha nang mga Mata niya. Hindi na alam ni Ariel kung saan sya dadalhin nang mga paa niya at wala na syang pakealam kung saan man sya mapadpad. Basta't ang gusto lamang niya sa mga oras na iyon ay ang maka limot pansamantala at maka layo sa lugar na iyon.
“Dad!” mahinang sambit niya.. Hindi na niya namamalayan na naka layo na talaga sya at napunta na sya sa tabing dagat. Nang hihina syang napa luhod sa buhangin. Tsaka napa kuyom ang kanyang mga kamao na punong-puno nang buhangin. “Ahhhh! DAddy! Hahanapin ko ang pumatay sa'yo. Pinapangako ko…igaganti kita!” tiim bagang saad ni Ariel at napa suntok sa buhangin.
Habang si Faith naman ay hindi parin sya mapa kali. Labas-pasok ang ginagawa niya sa bahay nila. Mag-aalas nuwebe na ay wala parin ang Nanay niya. Alam niya, kapag hindi ito makaka uwi ay tatawagan sya nito. Pero kanina pa sya tawag nang tawag dito ay hindi man lang ito sumasagot at Ring lang nang Ring ang selpon nito.
Muli na naman siya napa tingin sa selpon niya. 9:48 pm na ay wala parin ang Nanay niya. Kaya naman napa hugot sya nang malalim na pag hinga tsaka tinungo ang kapit bahay nilang may bangka. Makiki hiram muna sya roon.. Marunong naman syang gumamit nang bangka, ngunit hindi naman sya marunong lumangoy. At ewan ba niya kung bakit parang takot na takot sya sa tubig Dagat. Kahit sa tabing Dagat sila naka tira ay hindi parin nya magagawang maligo roon. Dahil pinangu-ngunahan sya nang takot. Kaya naman hindi sya marunong lumangoy
Mabuti na lamang ay napa hiram sila nang kapit bahay nila. Malayo lang nang konte ang bahay nang mga ito at bagong lipat lamang ang mga ito sa isla na iyon. Kaya naman hindi na nag-iisa ang bahay nila sa isla na iyon..
“Thank-you Lord” sambit ni Faith, habang hinihingal dahil sa pagod nang pag sagwan niya ng bangka..
Matapos niyang maitali ang bangka ay bumaba narin sya. Habang nag lalakad si Sherin papalayo sa bangka ay may kung anong bagay siyang napansin hindi kalayuan sa kina tatayuan niya.
“Ano iyun?!” nag tataka niyang tanong sa sarili. At wala sa sariling naihakbang nya ang mga paa niya palapit roon.
At ganuon na lamang ang kaba at takot niya nang makitang hindi pala bagay iyon. Kundi isang Tao. Isang lalaking naka yukyuk ang ulo sa buhangin, habang naka luhod naman ang magka bilang tuhod nito sa buhangin, habang naka kuyom naman ang mga kamao nito. At dahil madilim at naka yuko ang lalaki, kaya naman hindi niya ito makilala. Hindi niya makita ang itsura nito.
Nag palinga linga sya sa paligid, baka sakaling may makita syang taong makaka tulong sa lalaking ito. Ngunit napa buntong hininga na lamang sya nang maisip na walang ibang Tao roon, maliban sa kaniya at sa lalaking satingin niyang walang Malay.
“Ho-Hoy Manong…manong ay kuya!.. ” ani ni Faith at niyugyog ang balikat nang lalaki. Ngunit natumba lamang ito at tuluyang napa higa sa bungangin. At napag tanto ni Faith na hindi pala manong ang lalaki. Kundi isang Binata at satingin niya ay ka edad lamang niya ito.
Nilapitan niya ito at inaninag ang mukha nito. Mabuti nalamang naka tulong ang ilaw nang buwan upang mapag sino niya ang Tao na iyon. Ganuon na lamang ang pagka gulat niya at napa singhap Pa sya nang mapag sino niya ang lalaki na iyon.
“A-Ariel?! Ariel.. Jusko! Anong nangyare sa'yo... Ariel” ani ni Faith at hinawakan sa magka bilang pisngi ang lalaki at pilit niya itong ginigising..
“Hmmm” Ungol lamang nang lalaki at sandali itong dumilat “You again” ani nang lalaki at muli na naman itong napa pikit at tuluyang nawalan nang Malay.
“Jusko! Ariel…gumising ka…naku! Ano bang nangyare sa lalaking 'to? At ewww! Amoy alak hooy! Gising…mag lalasing ka, hindi mo naman kaya” ani ni Faith at pilit na naman niya ginigising ang lalaki..
Naisip ni Faith na hindi niya kakayanin ang lalaki. At lalong hindi niya alam kung saan niya ito dadalhin. Hindi niya alam kung saan ito naka tira. Kaya naman hinanap niya ang Cellphone nang lalaki sa bulsa nito.
“ingat ka…baka iba ang mahawakan mo. Nanunuklaw pa naman iyan kapag nagising nang biglaan.” ani nang lalaki, habang naka pikit parin. Kaya naman napa kunot noo si Faith at hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi nang lalaki .dahil sa lasing nitong boses.
“ewan ko sa'yo, haaayst nasan ba ang Cellphone mo?!”
“Ba-baket? Ibebenta mo…haayst ang ganda mong snatcher!”
“g*go, hindi ako mag nanakaw.. Hinahanap ko ang Cellphone mo para may matawagan akong makaka tulong sayo, hindi kita kaya at ang bigat bigat mo.. Mas lalong hindi ko alam kung saan ka naka tira—
Naputol sa pag sasalita si Faith nang biglang humilik nang pagka lakas lakas ang lalaki. Kaya naman mas lalong nalukot ang mukha niya.
//Continue