NANG Maka rating si Ariel sa mansyon ay pag pasok pa lamang niya ay ang galit na mukha ng kaniyang ina ang bumungad sa kaniya. Habang naka upo lamang ang kaniyang abuwela at kita sa mga Mata nito ang saya. Subalit hindi naman niya alam kung para saan at kung bakit. “What the he'll are you doing Ariel. Hindi kita pinalaki at pinag aral sa mamahaling eskwelahan sa America para maging B*bo sa pag pili nang babae. Ano?! Ipaliwanag mo ang mga iyan! Iyan ba ang dahilan kaya ayaw mong umalis dito at mag focus sa mga business natin sa Manila. Iyan ba ang dahilan kaya halos hindi kana umuuwi dito. Kung Hindi kapa tatawagan, hindi ka uuwi dito!” mahaba at galit na sabi ni Senyora Barbara pagka tapos ay itinapon nito sa pag mumukha niya ang napaka raming litrato, mga litratong kasama niya si Faith

