LUSTFUL 6

1336 Words
“You’re late.” ‘Yon agad ang bumungad sa akin nang makarating ako sa palapag kung saan naroon ang opisina ko at ang opisina ni Mr. Grayson. Nagulat pa ako nang makita ko siya. Akala ko ay wala pa siya rito! Ngayon ko lang napansin na may isa pa lang elevator pa. Mukhang para sa kaniya lang ‘yon o ‘di kaya ay para sa mga VIPs nitong kumpaniya. Hindi ko ‘yon napansin kanina. “Oh! I’m sorry, Sir. Good morning. I will prepare your breakfast immediately,” sagot ko naman kaagad sa kaniya. “No need. I have to eat with my visitors later. Just prepare coffee for them.” Matapos niyang sabihin sa akin ‘yon ay pumasok na siya sa loob ng opisina niya. Napatingin naman ako sa orasan ko. Anong late ako? Sobrang aga ko nga sa trabaho. 8:00 am pa sana ang duty ko, pero 7:00 am ay narito na agad ako. Masiyado lang siyang maaga. Nako! Baka sa susunod ay mas maaga pa siya. Ang lapit na nga lang bahay ko tapos mauunahan pa ako ng boss ko sa trabaho. Hindi ako papayag na gano’n ang mangyari. Agad ko naman na inihanda ang utos ni Mr. Grayson. Sinunod ko rin kung ano ang gustong kape ni— Oh, gosh! Naalala ko na hindi nga pala umiinom ng kape si Mr. Grayson! Mabuti na lang at agad ko ‘yon na naalala. Juice lang pala ang iniinom niya. Ang inutos pala sa akin ay maghanda ng mga kape para lamang sa mga bisita niya mamaya. Hay nako, Pyper! Masisisante ka yata ng maaga dahil sa kagagahan mo! Nako, hindi ako pwedeng matanggal agad-agad sa trabaho na ‘to. Lalo na at kasisimula ko pa lang. Tsaka marami rin ang naghahangad na makuha ang trabaho na ‘to at naghihintay na mabakante. Base lang sa narinig ko kanina na sinabi sa akin ni Natasha na marami ang nagagalit sa akin sa ground dahil gusto nilang makuha ang posisyon ko. Kaya gagawin ko ‘yon na motivation para wala akong kapalpakan na magawa sa trabaho na ‘to. Nakita ko na pumasok ang mga bisita ni Mr. Grayson sa loob ng opisina niya. Puro lalaki ang mga ‘yon at mukhang mga bigatin din. Doon din sila nanggaling sa elevator na pinaglabasan ni Mr. Grayson kanina. Siguro ay hindi sila nakikita ng ibang mga empleyado. Handa na rin ang mga kape nila. Nagdala na rin ako ng mga tinapay na nakahanda sa pantry. Baka sakali na gusto rin ng mga bisita niya. May dala na rin ako na juice na para kay Mr. Grayson. Hindi ko alam kung paano bang timpla ng kape ang gusto nila. Pero hindi ko na lang ginawang sobrang tapang o matamis. Mayroon naman sa pantry na coffee maker, pero hindi ako marunong kung paano ‘yon gamitin. Kaya sa ngayon ay mano-manong pagtitimpla na lang muna. Kung ano lang ang alam ko ay ‘yon na lang muna ang gagawin ko. Pero pag-aaralan ko na rin kung paano gawin ang iba. Nakapasok na ako sa loob ng opisina at nagtatawanan na sila ngayon. Ito ang unang beses na nakita kong ngumiti ang CEO. Grabe! Mas lalo siyang gumwapo. “Good morning, gentlemen. Here are your coffees,” bati ko naman sa kanila. Natahimik sila at agad na tumingin sa akin. Hindi naman ako makatingin sa kanila dahil nilalapag ko ng ayos ang kani-kanilang mga inumin sa lamesa na nasa harapan nila. “Oohh. So this is your new girl, huh?” narinig ko naman na sambit ng isang lalaki. Sa tingin ko ay magkakaibigan sila, lalo na at mukha ring mga bata-bata ang mga lalaki rito. Kahit na ‘di ko naman masiyadong nakita ang bawat mukha nila. Pero apat silang narito sa loob ngayon at bumisita kay Mr. Grayson. “Cut it. She’s my new secretary,” sagot naman ni Mr. Grayson. Base rin sa pagsagot niya ngayon, mukhang close friends sila at hindi business partners tulad ng iniisip ko kanina. “You mean… sexytary? HAHAHAHA!” Nagtawanan ang mga bisita niya dahil sa sinabi niya na ‘yon. Nagulat pa nga ako ng bahagya dahil sa klase ng biro. Para sa akin ay parang nakakabastos ‘yon. Pero kailangan kong maging open minded at professional. Ngumiti naman ako sa kanila. “Enjoy your drinks, Sir. Have a nice day. Call me if you need something else,” sambit ko. Tinalikuran ko na sila at aalis na sana nang marinig ko pa ang isang lalaki na magsalita. “I must say na may taste talaga ‘tong si Ethan sa mga secretary na kinukuha niya. Ang gaganda ng mga secretary mo, eh.” “Stop it, Jason. She’s just new here. Shut your mouth, okay?” suway naman ni Mr. Grayson. Naglakad na ako palabas ng opisina. Nang makabalik na ako sa sarili kong opisina ay nakahinga na ako ng maluwag. Grabe ang kaba na naramdaman ko habang nasa loob ako. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Hindi ko rin nagugustuhan ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Medyo conservative pa naman ako. Pero unang araw ko pa lang ‘to sa trabaho ngayon. Hindi naman din nila ako totally binastos. Kaya ayokong magmukhang OA sa harapan nila, lalo na sa harap ng amo ko. Nag-ring naman ang telepono ko ilang minuto ang nakalipas. Sinagot ko ang tawag at narinig ko ang boses ni Mr. Grayson mula roon. “Come in here,” utos niya. Hindi na ako nakasagot dahil agad din niyang pinatay ang tawag. Tumayo ako at agad nang nagpunta sa opisina niyang muli. As usual ay inaabangan na naman ako ng mga kasama niya na pumasok sa loob, katulad kanina. “You called for me, Mr. Grayson?” tanong ko sa kaniya. “They want to ask you some personal questions. Are you okay with that?” Nagtataka at nagulat ako ng bahagya dahil doon. Bakit gusto nila akong tanungin ng personal na bagay sa buhay ko? Ano naman ang gusto nilang malaman? Pwede ba ang gano’n? Sakop pa ba ng trabaho ko ‘yon? Paano kung ayaw kong sagutin ang tanong nila? Magagalit ba ang amo ko? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Lalo na at maraming katanungan sa isipan ko ngayon. Pero mas tumatak sa isip ko na maging open minded sa lahat ng bagay sa trabaho at panatilihin ang magandang imahe. Unang araw ko pa lang naman ‘to. Masasanay din siguro ako. “Go ahead po,” sagot ko na lang. Wala rin naman akong magagawa. “Do you have a boyfriend now, Miss Pyper?” ‘Yon agad ang unang tanong para sa akin. “I don’t have a boyfriend po.” “Then how many ex boyfriends do you have?” “None po.” Iniiksian ko na lang ang mga sagot ko sa kanila para sana ma-bored sila tungkol sa buhay ko. Ayoko na rin na pahabain pa ang usapan namin. “Woah. She’s a V, bro!” sambit ng isang lalaki at tumingin pa kay Mr. Grayson. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Masiyadong inosente ang sarili ko. “Shut it. You’re too noisy.” “For the last question, sino ang pinakagwapo sa aming lahat dito?” Is this a test about work or what? Pati ba naman ‘yon ay tinatanong pa? Paano kung hindi ang boss ko ang isasagot ko? Baka malintikan pa ako. Pero tinitigan ko sila isa-isa. But I must say that Mr. Grayson stand out among them. Siya talaga ang pinakagwapo at unique ang itsura. Although gwapo rin naman ang apat na lalaki na ‘to. “Personally, Mr. Grayson is the most handsome among all of you.” Sumigaw naman sila na parang nang-aasar. “Oohh! Ganiyan ang nga sexytary na gusto ni Ethan. Go for it, Girl! Sana magtagal kayo!” Bakit ba tinatawag nila akong sexytary? Hindi naman ‘yon ang trabaho ko! Nakakabastos talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD