K-Kiss?! Agad akong napatulak sa kaniya nang sa gano’n ay mapalayo kami sa isa’t-isa. Napabitaw naman siya sa akin at dahil sa sobrang panic ko ay bigla na lang akong lumubog sa ilalim ng pool! Sa sobrang panic ko ay nakakalunok na ako ng tubig ng pool. Naramdaman ko na lang na may humawak sa baywang ko. Alam ko naman na si Ethan ‘yon. Mabilis naman ako na humawak sa leeg niya. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hangin sa katawan ko. Sa dami kong nalunok na tubig ng pool. Nakapikit na lang ako at naninikip na ang dibdib ko. Naramdaman ko na lang na parang nawawala na kami sa ilalim ng tubig. Nahihirapan din ako huminga ngayon. Naramdaman ko na inilapag ako ni Ethan sa malamig na sahig. Hindi ko ininda ang lamig. Nagulat na lang ako nang may biglang dumiin sa itaas ng dibdib ko. SH!

