LUSTFUL 15

1648 Words

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko nang makita ko siya ngayon sa lugar na ito. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon sa ganitong klase ng lugar. Napadako ang tingin ko nang may isang lalaki na foreigner ang umakbay sa kaniya ngayon. Kaya naman pala English pa ang una niyang tanong sa akin. Dahil may bago na naman siyang lalaki na kinakasama ngayon at talagang Amerikano pa, ha? "Ma... Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko rin pabalik sa kaniya. Napansin ko rin ang suot niyang mga damit na mukhang mamahalin din. Niyakap naman niya ang lalaki na nasa gilid niya. Medyo may katangkaran ang lalaki na 'yon at medyo may katandaan na rin. Para ko na nga siyang lolo kung titingnan. "Oh, I'm with my honey. Dito kasi siya nakatira, kaya rito na rin ako titira. Ikaw?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD