P-Performance? Ano ba! Bakit iba ang naiisip ko sa kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga salita niya na ‘yon? Napailing na lang ako ng bahagya at saka ngumiti ulit kay Mr. Grayson. Hindi ko pinahalata sa kaniya na medyo naguluhan ako sa kung anong klaseng performance ang tinutukoy niya. Bakit kasi may salitang ‘satisfy me’? Kya tuloy medyo iba ang naisip ko! Kilabutan ka nga sa iniisip mo, Pyper! Sa tingin mo ba ay may balak ang bilyonaryong CEO na ‘to na patulan ka?! “Sure, Mr. Grayson. I promise that I won’t let you down. I will give my best to… satisfy you?” medyo hindi pa sigurado na sagot ko sa kaniya. Bigla naman siyang natawa. Hala! Nakakahiya naman. Baka ang bobo na ng datingan ko sa kaniya sa pagsagot ko na ‘yon. “Hello, Mr. Grayson.” Napatingin naman ako sa pamilyar na

