CHAPTER SIX

3228 Words
ASHLEY WON'T accept her defeat. Hindi isang tulad ni Lorenzo ang makakatalo sa kanya. She all plan everything while in vacation with her cousin. Isang plano ang na-isip niya at alam niyang walang magagawa ang isang tulad ni Lorenzo. Kung akala nito ay hindi siya lalaban pagkatapos ng ginawa nito ay nagkakamali ang binata. She will fight back. Napatingin si Ashley sa mataas na building. Iyon ang main building ng Madrid Empire. At doon nag-oopisina ang lalaking gusto niyang bigyan ng leksyon. Lumabas siya sa taxi pagkatapos magbayad. Tumingin siya sa paligid. Maraming papasok ng building. Halatang mga empleyado doon. Sumabay siya sa mga ito para hindi siya maharang ng dalawang security. Mabuti na lang at pwede na siyang pagkamalang empleyado doon. Sumabay siya hanggang elevator. She easily blinds in. Sa dulong bahagi ng elevator siya at nakinig sa usapan ng mga empleyado doon. Ang alam niya ay hindi doon ang main office ng hinahawakang kompanya ni Dennis. "Nakita mo ba kahapon ang bagong nobya ni Sir Lorenzo?" Pagkarinig sa pangalan ng lalaking pakay ay naging alisto ang pandinig ni Ashley. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon. Baka may magamit siya laban sa lalaki. Tatlong babae ang ngayon ay kasama niya sa elevator. "Oo, nakita ko nga. Flavor of the month ni Sir Lorenzo ngayon ang artistang si Tina Vane Yap." Isang malalim na paghinga ang ginawa ng babaeng mahaba ang buhok. "Isa siyang malaking sayang. Nagpapaluko siya sa boss natin na alam ng lahat na dakilang playboy," wika naman ng babaeng nakatali ang maikling buhok. Mataas ang takong nito dahil ito ang pinakamababa. "Well, baka umaasa na siya ang magpapabago sa boss natin." Natatawang sabi ng babae na naka-skirt. Ito ang babaeng unang salita kanina. "She wishes. Malabong magbago ang isang tulad ni Sir Lorenzo. At sa ugali ni Boss, isang palaban na babae ang kailangan nito para putulin ang dalawang mahaba niyang sungay." Natatawang sabi ng huling babaeng kasama ng mga ito. "Sir Lorenzo, won't change for a woman." Deklara ng babaeng mahaba ang buhok. Tumaas ang isang kilay niya. Ganoon ba talaga ang tingin ng mga tauhan ni Lorenzo dito. Nakaka-awa naman ang binata. He had bad reputation inside his own company. Isinandal niya ang likod sa pader ng elevator at pinagkrus ang braso sa dibdib. "Sinabi mo pa. Ngayon palang ay pinagdarasal ko na maging mabait ang langit kay Sir dahil kapag dumating na ang karma niya. Patay talaga siya." "Bakit mo pinagdarasal? Sa dami ng niluko at pinaglaruan niya, tama lang na parusahan siya." "Well, in free well din naman naging kasintahan ni Sir ang mga babaeng iyon. Hindi naman sila pinilit ng big boss natin. They know the consequences once they date him." "You are right." Pagsang-ayon ng kasama nito. "Hay! Kung may tao man akong hinahangaan sa magkapatid na Madrigal ay si Sir Dennis na iyon. Maliban sa masipag at matalino ay hindi pa playboy." Parang nanaginip na sabi ng babaeng mahaba ang buhok. Nais niyang matawa sa sinabi ng babae. This girl has a crush on her best friend. Nakakalungkot man pero gusto niyang putulin ang kaligayahan at pantasya nito. Kinuha niya ang phone sa bag at tinawagan ang kaibigan. "Hello!" Bati niya sa lalaki. "Hey, napatawag ka?" tanong ni Dennis. "Nasa building ako ng Madrid. I will meet your brother. We have unsettled business." Pasimple niyang sinulyapan ang tatlong babae. Hindi nagsalita ang tatlo. Siya naman ang pakikinggan ng mga ito. Alam niyang mangyayari iyon. "What unsettled business? Ashley, kung anuman ang binabalak mo ay nakiki-usap ako. Itigil mo na. Hindi matatapos ang alitan niyo ni Kuya sa ginagawa mo. Let it go, please!" Napansin niya na parang nagliligpit ang binata. "You can't stop me, Dennis. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin sa hotel ay hindi ko iyon pwedeng palampasin. Kilala mo na ako at hindi isang tulad ni Lorenzo ang makakalamang sa akin. Tumawag lang naman ako para malaman mo. Bye, best." Pagkatapos noon ay pinatay na niya ang tawag. Tumingin siya sa tatlong babaeng nasas harapan. "Alam niyo kung gusto niyong pag-usapan ang boss niya. Gawin niyo iyon sa labas ng opisina. Tandaan niyo nasa teritoryo niya kayo at kapag narinig kayo ng kahit isang loyal niyang tauhan ay mapapa-alis kayo. Get that." Walang nagsalita sa tatlo. Napayuko lang ang mga ito. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito. She maybe hates Lorenzo but she hates people talking behind someone back. Iyon ang pinaka-ayaw niya sa isang tao. She can't tolerate that kind of act. Kung empleyado niya ang mga ito ay baka nasisante na niya ang mga ito. Nang bumukas ang elevator ay mabilis pa sa alas-kwarto na lumabas ang mga babae. Para itong mga kriminal na nahuli niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at pinadalhan ng mensahe ang kaibigan. 'I won't make a scene. Kaka-usapin ko lang ang Kuya Lorenzo mo. My cousin did something to him. I'm just gonna say sorry.' Nagka-usap sila ni Cole bago ito umalis ng bansa. Sinabi nito na layuan niya ang mga Madrigal dahil walang magandang itutulong ang mga ito sa kanya. She wonders why her cousin said those. Hindi kasi si Cole ang tipo na magsasabi ng ganoon. Kung si Alex ay baka di pa siya magtataka. Tinanong niya si Alex at sinabi nga nito ang ginawa ni Cole kay Lorenzo. Hindi siya makapaniwala noong una pero kapag naalala niya kung anong tinatagong ugali ni Cole ay alam niyang kaya nitong gawin ang bagay na iyon. Pagdating niya sa floor ng opisina ni Lorenzo ay agad siyang lumapit sa unang mesang nakita niya. Isang matamis ang ibinigay niya sa lalaki. "Hi." Malambing na bati niya. Nagtaas ng tingin ang lalaki. Agad itong napasinghap. Everyone said she have an average look. Maganda lang daw ang katawan niya pero wala siyang paki-alam doon. Everyone has their own beauty. She has her own. "Yes. What can I do for you, Ma'am?" "I'm looking for Mr. Daniel Lorenzo Madrigal." "Si big boss po?" Gulat na tanong ng lalaki. Ngumiti siya at tumungo. Kung ganoon ay iyon pala talaga ang tawag ng mga tao sa lalaki. Tumayo ang lalaki at may tiningnan sa loob. "Deritso lang po kayo tapos kapag may nakita po kayong dalawang mesa na isang babae ang gumagamit, doon po niyo hanapin si Big boss. Sekretarya niya po ang babae." "Okay! Thank you." Ngumiti pa siya ng napakatamis sa lalaki. Tumalikod na siya pagkatapos at naglakad. Hindi niya pinansin ang init na nararamdaman sa kanyang likuran. Alam niyang sinundan siya ng tingin ng lalaki. Walang nakakakilala sa kanya dahil hindi naman siya ang tipo ng tao na nagpapakilala kahit kanino. Hindi sila magpipinsan nagpapa-unlak ng kahit anong interview. Masyadong pribado ang buhay nilang tatlo. Nang marating ang mesa na itinuro ng lalaki ay agad niyang napansin ang isang babae na abala sa pagbabasa ng papeles. Dalawang mesa nga ang ginagamit nito at may dalawang monitor. Nagtaas ang kilay niya. Ganoon ba karami ang ginagawa ng sekretarya ni Lorenzo? Kung ganoon ay bakit nakakapagpabaksyon pa ang boss nito? Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Nakuha naman niya. Ngumiti siya sa babae. "Yes!" Seryusong wika ng babae. "Hi. I'm looking for Mr. Madrigal." "May I know your name? Do you have an appointment?" Tumingin sa monitor ang babae. "I don't have an appointment. I'm just here to talk to him." Kuminto sa pagtipa ang kamay ng babae. Isang malalim na paghinga ang ginawa nito bago siya muling tiningnan. "Look, Miss. Maraming ginagawa ang boss ko. At kunw---" "Tell him my name. It's Ashley Samantha Elizabeth Cortez." Putol niya sa iba pangsasabihin ng babae. Kung pagbabasehan ang narinig niya kanina sa elevator ay nasisigurado niyang sinusugod din ng mga naging kasintahan nito si Lorenzo at na-aabala ang trabaho ng babae. She can't blame her but she needs to talk to Lorenzo. What she wants, she gets. Ilang sandali siyang pinakatitigan ng babae bago ini-angat ang telephone sa tabi nito. Napangiti siya ng tinawagan nito ang lalaking ipinunta. Mamaya pa ay binaba ng babae ang telephone. "Ms. Cortez, Mr. Madrigal is very busy. He can't entertain you. Just leave me your contact number and I will set you an appointment with him." "No!" Mariin niyang tanggi. "I want to talk to him. Tell him, that I want to talk to him. If he doesn't want me to file a case for harassing me last week. I have a video of what he did to me." Nagsalubong ang kilay ng babae. Kung akala nito ay basta na lang siya mapapataboy nito ay nagkakamali ang binata. Hindi siya pupunta doon ng walang armas na maaring ipanglaban dito. She is a Cortez, she is smart and coning like her cousin. "What are you talking about?" isang parang kulog na boses ang narinig niya mula sa gilid. Napatingin siya sa nagsalita. Napangiti siya ng makita si Lorenzo na nakatayo sa nakabukas na pinto. Ngumiti siya ng matamis sa lalaki. Nakikita ang galit sa mukha at mga mata nito. She gets to his nerve again. Naglakad siya palapit dito. "Let's talk inside of your office, Mr. Madrigal. Ayaw mo naman sigurong pag-usapan tayo ng mga tauhan mo," aniya dito. Napatinging si Lorenzo sa paligid. Lalong naging madilim ang mukha ng lalaki. Mukhang nakuha nito ang punto niya. Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya papasok sa loob. Malakas nitong isinara ang pinto ng opisina. He even locks the door. Hinila siya ng binata at basta na lang itinapon sa mahabang puting sofa. Nagpapasalamat si Ashley na mahabang dress ang suot niya. Hinawakan niya ang brasong mahigpit nitong hinawakan kanina. "Hindi mo ba talaga ako titigilan? Hindi pa ba sapat ang ginawa ko para layuan mo ako." Sigaw nito. Hindi maitago ang galit ng binata. Instead of feeling scared. She just set properly and cross her legs. Pinakrus pa niya ang dalawang braso sa harap ng kanyang dibdib. "Nope. Not after what you did to me, Mr. Madrigal" Nagtaas-baba ang dibdib ni Lorenzo. "I just did that to teach you a lesson. You shouldn't mess up with my date, Cortez." Hindi niya pinansin ang pagkakatawag nito sa kanya. "And you shouldn't mess up with me, Madrigal. I'm a Cortez like you called me." Nakipagsukat ng tingin sa kanya si Lorenzo. Hindi naman siya nagpatalo. She can fight him. Hindi isang tulad nito ang magpapatumba sa isang tulad niya. Wala pang lalaking nakapagpapa-amo sa kanya. She lives getting what she wants. "Well, I'm not here to argue with you." She said after a while. Tumayo siya at lumapit sa binata. "I'm here to apologize on behalf of my cousin." "What?" nagsalubong ang kilay na tanong ng binata. "I saw the CCTV footage in the elevator. My cousin is not really like that. Masyado lang kasi talaga siyang over protective pagdating sa akin." Hindi nagsalita si Lorenzo. Tumalikod lang ito at umupo sa swivel chair nito. Tumingin ito sa kanya. Naglakad naman siya palapit sa mesa nito. Ngayon ay may pagitan silang mesa pero hindi noon napuputol ang pagsusukatan nila ng tingin. "What do you want from me then?" "Nothing. We are even anyway. Hope our path won't cross again, Mr. Madrigal." Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. Alam niyang hindi nito inaasahan ang sinabi niya. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa pinto. May isang ngiti na naglalaro sa kanyang labi. She is having a positive thought about her plan. 'This will not be our last meet, Lorenzo.' "CAN YOU MOVE a little bit faster, Ashley?" Singhal ni Alex sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ang pinsan. Nasa labas ito ng mansyon ng kanyang magulang. Isang van ang naghihintay sa kanilang dalawa. May pupuntahan silang event kung saan volunteer ang kompanya nito. Every year ay may ginagawang ganoon ang Kingstate at Redwave. They collaborate with other company for helping poor family in a rural place. Minsan ay sumasama silang magpipinsan para tumulong. Ang huling sama niya ay noong nasa high school pa siya. Nang tumuntong kasi siya ng college ay masyado siyang naging abala sa pag-aaral. She is wearing tight jeans, big green t-shirt and black rubber shoes. Nakatali na din ang mahaba niyang buhok para hindi siya mahirapan mamaya. Wala siyang suot na kahit anong accessories sa katawan maliban na lang sa white g-shock watch niya. "Late na ba tayo para awayin mo ako?" Inis niyang tanong dito. "No pero hindi pwedeng hindi tayo ang ma-una doon, Ash. Where's your hat?" "I don't want to wear one. Pinaghirapan ko ngayon ang hair style ko," wika niya sa pinsan. Binigyan siya ng nagtatanong na tingin ng pinsan. Para itong Tatay na gusto siyang pagsabihan. Tinaasan niya lang ng kilay ang pinsan. Sa huli ay ito din ang sumuko. Nagkibit-balikat na lang ito at pumasok ng van. Napangiti siya at sumunod dito. Umupo siya sa tabi ng pinsan. Isang maliit na bag ang bitbit niya. Nandoon ang mga gamit na kailangan niya kagaya ng tissue, make-up, phone, wallet at camera. "Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong niya sa pinsan. "Pampanga daw. May parte kasi doon na sinalanta ng bagyo nitong nakaraang linggo. Doon na-isipan ng mga tauhan ng kompanya na tumulong. Meron ulit next week pero sa Baguio na. May tutulungan silang barangay doon na hindi na pupuntahan ng kahit sino," sagot ni Alex. "So basically, this one is not part of the plan?" Kinuha niya ang isang maliit na kumot sa likuran ng van. "Yes! Nagkataon lang na may ibang kompanya na pupunta doon na gusto tayong isama din." "Other company? Like?" Nagsalubong ang kilay niya. "The Imperial City, MDHGC, The Madrid Empire at Wangzi Estate Corp." Kinuha ni Alex ang iPad nito. "Kasama natin ang mga Wang?" gulat niyang tanong sa pinsan. "Oh!" tumungo si Alex. "This is the first time that the big company in the Philippines to work together. I'm not really sure kung makikita natin ang magpinsan din na mga Wang." "Ang alam ko si Shilo ang Vice-President ng MDHGC pero sa Wangzi ay ang matandang Wang pa rin." She reads article about Wang family. She is curious about them. Ang mga ito kasi ang pumapangalawang mayaman sa bansa at ang pamilya naman nila ang pangatlo. Pinakamayaman ang The Imperial City pero ang alam niya ay walang tagapagmana ang pamilya Lu. Ang nag-iisang anak na babae kasi ng mga ito ay nawawala at pinaghihinalaan na patay na. Balibalita sa mundo ng negosyo na mapupunta ang pamamahala ng The Imperial City sa bunsong anak ng mga Wang. Malapit kasi ang dalawang pamilya. "Joshua Jhel Wang is currently the HR manager of MDHGC. Iyon ang nababalitaan ko sa mga kakilala ko pero ang alam ko ay kasama sila sa event na ito. Madalas din na sumasama sa ganitong event ang mag-pinsang iyon." Itinabi na ng pinsan ang iPad nito. Tumungo siya. Sa wakas ay makikita na din niya ng personal ang mag-pinsan. She always wondering what they look like. Iba pa rin kasi kapag personal mong nakilala ang tao. Picture can be edit. Humarap siya sa pinsan. "Sa tingin mo ba ay makikita natin si Shan Wang mamaya?" Nagsalubong ang kilay ni Alex. Hinarap din siya nito. "Why you ask?" "I'm just curious." Umupo siya ng tuwid. "Sabi kasi nila ay napakagwapo nito. Walang tulak kabigin ang kagwapuhan. I didn't saw any photo of him. Well, except at his college photo. Iyong nagbabanda pa siya." She said with so much honesty. Curious lang talaga siya. Marami kasi talaga siyang naririnig tungkol sa lalaki. At her curiosity won't die until she saw it with her own eyes. "He is just a so-so, Ash. Nakita ko siya sa isang event ng pumunta ako ng China. Siya ngayon ang namamahala ng Meili Shoe Company. Isang kompanya na pagmamay-ari din ng mga Wang pero naka-base sa China." Paliwanag ni Alex. Napatingin siya sa pinsan. "Really?" "Yes. Magkamukha sila ni Shilo pero mas matured kasi ang mukha ni Shilo kaysa kay Shan. Kung ipagtatapad ang dalawa, aakalain mong mas matanda si Shilo. Parang kagaya lang ni Cole at Kuya Tim. Mas mukhang bata si Kuya Tim kaysa kay Cole." Natatawang wika ni Alex. "Kuya Tim?" Salubong ang kilay na tanong niya. "Oh! Hindi mo pa pala kilala si Kuya Timothy." Lalong nagsalubong ang kilay niya. "Who's Kuya Timothy?" Hindi niya matandaan na may pinakilala o nabanggit ang mga ito na Timothy sa kanya. "Kuya Tim is Cole's step older brother. Gwapo din iyon at siya dapat ang hangarin mong makaharap. Mas gwapo pa siya sa mga Wang." Isang magandang ngiti ang sumilay sa labi ni Alex. Tumaas lang ang kilay niya. "Of course, mas gwapo naman talaga ang lahi natin. Nahaluan lang ng isang ungoy." Inirapan niya ang pinsan. Alam niyang napatingin sa kanya si Alex. Kilala kasi nito kung sino ang tinatawag niyang unggoy. Walang iba kung hindi ito. She always called him that way. "Hay! Mabuti at good mode ako ngayon dahil kung hindi ay talagang papatulan ko iyang pag-aasar mo, Ash." Sumusukong sabi nito. Napangiti siya. Palagi silang nag-aasaran ni Alex kaya nga malapit siya dito. Masaya naman kasing kasama si Alex at isa din ito sa pinagkakatiwalaan niya. Sa buhay niya ay tatlong tao lang ang pinagkakatiwalaan at inaasahan niya. Tita Ivy, Cole at Alex. Ang tatlo din ang inaalagaan at mahal na mahal niya. She treasures them so much. "By the way, dahil sa Pampanga na din naman ang punta natin ay sa farm ni Tita Ivy na tayo umuwi mamaya pagkatapos. Nasabi ko na din naman kay Tita," anito pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Napangiti siya. "Okay. I miss the farm anyway. I miss Tita Ivy also." Pinakapaboritong lugar nila ni Alex ang flower farm nit Tita Ivy. Kapag may panahon sila ay pumupunta sila doon magpinsan. Ivy Rose Flower farm is like their heaven. Doon kasi sila nakahanap ng kapayapaan. Si Cole talaga ang madalas doon kasama ang ina. Kung pwede lang doon tumuloy ang pinsan ay ginawa na nito pero dahil maraming ginagawa sa Redwave ay hindi nito pwedeng gawin iyon. Masyadong nakakapagod ang byumahe papuntang Pampanga at Maynila. Ilang oras din silang nasa byahe bago nila narating ang lugar. Marami ng tao doon at ilan sa mga tauhan ng kompanya ng pinsan ay nandoon. Unang bumaba si Alex at inalalayan siya nito. Nang makababa ay nasi pagsisihan ni Ashley kung bakit hindi siya nagdala ng hat. Mataas na ang sikat ng araw at masakit na din iyon sa balat. But she is not there to act like a beauty. She volunteers to help. Naglakad na sila ni Alex papunta sa mga tauhan ng kompanya. Kingstate Corp at Redwave ay nasa iisang tent. Nagkasundo ang dalawang kompanya na magtulungan para tumulong sa ganitong klaseng event. Sinalubong sila ng isang tauhan ni Cole. "Hi Ma'am Ashley, Sir Alex." Nakangiting bati ni Mr. Prado. "Hi Tito Night. How's everyone doing?" masayang bati niya. "Everything is alright, Ma'am Ashley." "Mabuti naman kung ganoon, Tito Night. Tara po at tulungan na natin sila." Tinapik ni Ashley ang balikat ni Tito Night at hinila para tumulong sa mga tauhan ng kompanya. They are going to distribute foods and cloth for everyone. Si Tito Night ang representative ng Redwave dahil wala sa bansa si Cole. Susunod na sana siya ng may humawak sa kanyang braso. Napalingon siya bigla para matingnan kung sinong pangahas ang humawak sa kanya. Napangiti si Ashley ng makita ang isang napakagwapong lalaki na nakilala niya. "Hello, Ashley. Good to see you here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD