CHAPTER 14

2063 Words
HINDI NA naituloy ni Bloom ang iba pa niyang sasabihin dahil lumapat ang hintuturo ni Liui sa mga labi niya para pigilan siyang magsalita. When she looked up at him, she could clearly see in his eyes how much he loved her. He was looking at her as if she was the only woman in the world. Nakapaskil pa rin sa labi nito ang ngiting nakasanayan niya ng makita sa araw-araw na nakakasama niya ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya immuned sa epekto ng ngiting iyon sa buong sistema niya. Nagrarambulan nanaman kasi ang mga tenant niya sa dibdib. Nararamdaman na rin niya ang pag-iinit ng pisngi niya. "I don't care about what other people think. I loved you for who you are at wala akong pakialam kung ikaw pa ang pinakamasamang babae sa mundo. That still doesn't change the fact that I'm in love with you ever since the moment I saw you smile. And that time when you threw my cellphone, I already knew that my life will never be the same again. Alam kong magiging espesyal ka sa buhay ko at tama nga ako. "Kahit kailan, hindi ko inisip na hindi ka nababagay sa 'kin. I always look up on you dahil gustong-gusto ko ang ugali mo na kapag may gusto kang isang bagay ay ipinaglalaban mo talaga 'yon kahit na alam mong wala ring patutunguhan ang gagawin mo. You don't know the word 'give up' and I always admire that part of you. Kaya kinulit din kita ng kinulit at hindi ako sumuko kahit na alam kong gustong-gusto mo na akong itapon sa pinakamalapit na basurahan. I just can't leave you alone, Bloom. There were times that I wanted to give up but I find myself coming back to you. I always find my heart yearning to see your face, your smile, and those eyes that seemed to sparkle whenever you smile. My whole being just can't get enough you." Hindi niya na napigilan ang sarili niyang mapaiyak dahil sa mga narinig niya mula kay Liui. She was so darn happy. Ngayon niya lang napatunayan na pwede palang umiyak ang isang tao ng hindi dahil sa kalungkutan kundi dahil sa sobrang kaligayan. She felt so blessed that she had Liui, who loved her despite all her flaws. "Jeez, you idiot! You stole my heart again!" humihikbing turan niya. "Nakakainis ka na talaga!" Narinig niya ang mahinang pagtawa nito kasabay ng pagpulupot ng matatatag na bisig nito sa katawan niya. He hugged her tightly but in the gentlest way possible. Naramdaman niya ang paghalik nito sa sentido niya saka nito ibinaon ang mukha nito sa buhok niya. "Just how many hearts do you have?" she felt him smile. "Sabihin mo na kung ilang puso ang meron ka at nang mapagplanuhan ko na kung paano ko nanakawing lahat ang mga 'yan. Selfish kasi ako. Gusto ko, akin lang sila lahat." Pabiro niya itong pinalo sa dibdib na ginantihan lang nito ng mahinang pagtawa. She could feel his hot breath on her neck. His hot breath sent shivers through her spines but nevertheless, she felt really nice and contented. Ano pa bang mahihiling niya? Ang lalaking pinapangarap niya lang kanina, heto at yakap-yakap siya... at mahal na mahal siya. "I love you, Liui," masuyong sambit niya. "I thought you'll never say that." He held her chin and the next thing she knew his lips were already on hers. He kissed her passionately with all the love he could muster. Nakakaliyo ang nararamdaman niyang sensasyong hatid ng halik ni Liui. Her world was spinning upside down and all she could do was held on Liui. Nararamdaman niya kasi ang panlalambot ng tuhod niya at kung hindi siya hahawak kay Liui, bibigay ang tuhod niya. She could feel something fluttering on her stomach. Liui probed on her mouth expertly and before she knew it, she was already responding to his kisses. It was her first ever kiss dahil wala siyang hinayaang kahit sino na makahalik sa kanya. She was saving herself for Rade, after all. Pero ngayon ay parang gusto niyang pasalamatan si Rade. Kung hindi kasi dahil dito ay baka kung sino-sino na ang nakahalik sa kanya. Pero sa tingin niya, kahit pa hindi ito ang first kiss niya, it would always have the same effect on her. Dahil lahat ng bagay para sa kanya ay nagiging extra special kapag si Liui ang sangkot. Kagaya nalang ngayon. She never knew that a kiss could feel this magical. Pareho nilang habol ang hininga nang maghiwalay ang mga labi nila. Nanatili lang silang nakatitig sa mata ng isa't-isa at sabay pa silang napangiti. Kahit walang salitang namumutawi sa pagitan nila, alam niyang nagkaroon na ng pagkakaintindihan ang mga puso nila. Things would be different from now on. Dahil simula sa araw na iyon, hindi niya na ire-restrain ang sarili niya na ipaalam kay Liui kung gaano niya ito kamahal. Liui cupped her face, making her look at him and only him. "I love you, Bloom," he said huskily. "You will never be alone from now on. Dahil kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa 'yo. You don't have to be afraid that I'll leave you because I'll never do that. I may hurt you at times because, well, I'm still human and I'm not perfect. Pero gagawin ko ang best ko para palagi kang maging masaya sa piling ko." "Thank you, Liui," she hugged him. "Gosh, I didn't even know what I did good to deserve someone like you." "Ako dapat ang nagsasabi niyan, Miss," Liui hugged her back. "Pero dahil naunahan mo na ako, next time ko nalang sasabihin 'yan." "Wala kang originality!" natatawang turan niya habang payapa siyang nakayakap sa lalaking natutunan niyang mahalin sa kabila ng sobra nitong kakulitan. "Pero dahil mahal kita, sige, pagbibigyan din kita." Napuno ng buhay na buhay na tawa niya ang buong bakuran nang kilitiin siya ni Liui. Ginawa niya ang lahat para makaganti dito pero bigo siya kaya siya lang ang parang tangang tawa ng tawa habang kinikiliti siya nito. Kung pwede lang mamatay sa sobrang kasiyahan, baka kanina pa siya bumulagta doon. Napailing nalang siya. "Now where were we?" "We're in the part that you should go home too because it's already late," nakangising sagot niya. "Okay," nakangusong turan nito. "I'll go ahead." "Ingat, Liui." "Goodbye kiss ko?" paglalambing nito. She smiled and planted a quick kiss on his cheek. "Good night, Liui. 'Love you." "'Night. 'Love you too." Nang makaalis ang kotse nito ay pumasok na rin siya sa kwarto niya. Kahit matagal ng nakaalis si Liui ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya habang inaalala niya ang mga nangyari kanina sa pagitan nila ng lalaki. She still couldn't believe that she and Liui were together now. Parang kailan lang ay asar na asar pa siya dito, pero ngayon, mahal niya na ito. Hindi pa rin tuluyang nawawala ang mga agam-agam sa puso niya pero sinusubukan niyang i-overcome iyon para mas maging successful ang relasyon nila ni Liui. She should trust him since she let him in her life. Gagawin niya ang lahat para maging maayos ang relasyon nila ni Liui. She might not be an expert when it comes to relationships but she was willing to give it her best shot. Ayaw niyang pagsisihan ni Liui na minahal siya nito. She slept with a smile still curved in her face. She couldn't wait to spend as much time as possible with Liui. ABALA SI Bloom sa page-general cleaning sa bahay niya. Halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang huli siyang nakapaglinis ng bahay kaya naman medyo marami ng alikabok doon. Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng mga labahin sa washing machine nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell. Napakunot-noo siya. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. Napangiti siya nang maisip niyang baka si Liui iyon. Excited na tumakbo siya papunta sa pintuan. Tatlong araw na silang hindi nagkikita ni Liui dahil ayon dito ay abala ito sa opisina pero araw-araw ay nagti-text ito sa kanya para kumustahin siya. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at hinanda niya na ang ngiti niya para dito. "Hah! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis!" masiglang sambit niya pero agad na nawala ang ngiti niya nang ma-realize niyang hindi si Liui ang nasa pinto. It was Rade. "Are you expecting someone else?" malungkot na tanong nito. "You seem disappointed to see me." "R-Rade... anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong niya. The last time she saw Rade was at the boutique shop. Simula noon ay hindi na uli sila nagkita nito kahit halos magkalapit lang ang mga bahay nila. Kaya naman nagulat talaga siya na makita ito sa pinto niya. "Can I come in?" alanganing tanong nito. Tumango siya at nilakihan niya ang bukas ng pinto upang makapasok ito. Iginiya niya ito sa sofa.  "So, what brings you here?" "First, I'm really sorry about what happened last time," nagsisising sambit nito. "I swear, pinagsisisihan ko na ang bagay na iyon and if only I can turn back time, gagawin ko para maitama ang pagkakamali kong iyon. Hindi dapat kita sinaktan, Bloom. I'm so sorry. Sana mapatawad mo ako." Ngumiti siya. Kahit naman gusto niyang magtanim ng galit kay Rade ay hindi niya magawa. He was the only one she had. Ayaw niyang mawala din ito sa kanya ng dahil lang sa pride niya. "It's okay. Kahit naman gusto kong magalit sa 'yo, hindi ko kaya. You're the only one I have." Bukod kay Liui, that is. "So, bati na tayo?" nakangiting tanong nito. Nang tumango siya ay mahigpit siya nitong niyakap. "God! I missed you so much!" "I missed you too, Rade," nakangiti na ring sagot niya saka gumanti ng yakap dito. "Kumusta ka na nga pala?" Naramdaman niya ang lalong paghigpit ng yakap nito sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang pagkunot ng noo niya. May nangyari bang hindi maganda dito? "What happened? Is there something wrong?" "The wedding is off." "The----what?!" nakamulagat na tanong niya. "Bakit? Anong nangyari? 'Yung impaktang Arjane ba na 'yon ang umurong? Naku! Kakalbuhin ko talaga 'yung babaeng 'yon!" "No, no," tanggi ni Rade. "It was my fault. I was the one who called off the wedding." "Ha?! Bakit? Anong nangyari?" "Nothing. I just... I just realized that I am not actually in love with Arjane," hinawakan siya ni Rade sa balikat para magtama ang mga mata nila. "When I saw you walk out on me at the bridal gown shop, I got scared that I might actually lose you. Noong mga oras ding 'yon, na-realize ko na hindi ko kayang mawala ka sa akin at ikaw pala talaga ang mahal ko. Masyado lang akong natuwa sa ideya na in love ako kay Arjane dahil alam mong kahit kailan, hindi pa ako nai-in love ng seryoso and Arjane was the first one. Akala ko, totoo na talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. "Lagi kang nasa tabi ko simula noong mga bata palang tayo kaya nasanay ako na lagi kang nasa tabi ko. Dahil doon, hindi ko agad napansin na may iba na pala akong nararamdaman para sa 'yo. Huli na nang ma-realize ko ang lahat. Please give me a chance to prove to you that really I love you, Bloom. And I promise that this time, I won't mess up. I'll do everything to make you happy." He stared deep into her eyes. Unti-unting tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila. He kissed her passionately, like how she always dreamed it to be. Napapikit nalang siya at ninamnam ang pinakaaasam niya noon na halik ni Rade. Pero bakit gano'n? Bakit wala siyang maramdamang kasiyahan sa mga pinagtatapat nito? At bakit hindi niya nararamdaman ang kakaibang t***k ng puso niya sa tuwing nasa malapit lang si Liui? Diba, dapat ay masaya siya dahil sa wakas ay nakuha niya na rin ang pinakaaasam niyang mahalin din siya ni Rade? A part of her was happy, yes. Pero hindi niya magawang magsaya ng todo dahil alam niya sa puso niya na may iba na siyang mahal. At hindi na si Rade iyon. Naramdaman niya ang pagtakas ng luha sa mga mata niya. Aksidente siyang napatingin sa bintana at daig niya pa ang natuklaw ng ahas nang makita niyang nakatayo doon si Liui. Agad siyang humiwalay kay Rade at tumakbo papunta sa pinto upang buksan iyon at magpaliwanag kay Liui. Ilang sandaling nagpalipat-lipat ang tingin ni Liui sa kanilang dalawa ni Rade. Nang muling magtama ang mga mata nila ay wala na siyang mabasang kahit anong emosyon sa mukha nito Liui. "Sorry, nakaistorbo yata ako sa inyo," even his voice was cold. "I guess I should leave."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD