HINDI PA man gaanong nakakalayo si Bloom sa Amai Yume cake shop ay naramdaman niyang may humawak sa kanya sa braso. Asar na nilingon niya ang talipandas na pumigil sa kanya... it was Liui. Bakit siya sinundan ng lalaki? Kung nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Liui, mukhang maging ito ay nagulat din sa biglang pagharap niya dito.
"Anong kailangan mo?" mataray na tanong niya dito.
Natigilan siya nang masuyong haplusin ni Liui ang pisngi niya. Weird but she felt her heart leap just because of that simple gesture of his. She felt sparks the moment his hand touched her cheeks. Nataranta siya naramdaman niya kaya wala sa sariling tinapik niya ang kamay ni Liui at umatras siya palayo dito.
"A-anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong niya. "Bakit mo hinaplos ang pisngi ko?"
"Bloom, you're crying."
"I'm cry---what?!" dali-dali niyang dinama ang pisngi niya.
True to Liui's words, she was really crying. s**t! Hindi niya pala napigilan ang sarili niya kahit hanggang sa makarating man lang siya sa bahay niya. Nakaramdam siya ng hiya. Ayaw niyang nakikita siyang umiiyak ng kahit sino. She had been strong all these times. How could that petty argument with Arjane trigger her emotions that much?
Akmang tatakbo siya palayo sa lalaki nang bigla nalang siyang kabigin nito. In split seconds, she was already in his arms. He was hugging her tightly but in the getlest way possible. She hadn't been hugged like that for quite some time now. Kaya naman pakiramdam niya ay nakahanap siya ng masasandalan sa mga oras na iyon.
Hindi ka pwedeng maging mahina, Bloom! Hindi mo pwedeng ipakita kay Liui na nasasaktan ka! Hindi pwede!
Sinubukan niyang makawala sa pagkakayakap ni Liui pero hindi siya nito hinayaang makawala. Lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na para bang ayaw nitong may ibang makakita na umiiyak siya.
"Ano bang ginagawa mo?" basag ang boses na tanong niya.
"You don't want others to see you miserable, right?" masuyong sambit ni Liui. "Go ahead and cry. Libreng-libre ang dibdib ko para sa 'yo. We'll stay like this until you feel better. I'll make sure no one else can see your tears. I'll protect you."
Hindi niya na napigilan ang sarili niya. Tahimik siyang umiyak sa dibdib ni Liui habang ito ay pinoprotektahan siya para hindi makita ng mga taong nagdaraan na umiiyak siya. Hindi niya na alam kung gaano na sila katagal sa ganoong posisyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naririnig na kahit ano mula kay Liui. Talagang pinanindigan nitong hahayaan siya nitong umiyak hanggang sa umayos ang pakiramdam niya.
Unti-unti siyang kumalma at nang maampat na ang pag-agos ng luha niya ay pinunasan niya na iyon gamit ang panyo niya. Marahan niyang tinulak si Liui palayo sa kanya. Mukhang napansin nitong ayos na siya kaya hinayaan na siya nitong makawala. Nang maayos niya na ang sarili niya ay huminga siya ng malalim para gumaan ang pakiramdam niya.
Paglingon niya kay Liui ay nakita niyang nakatitig lang ang lalaki sa kanya. She managed to give Liui an abrupt smile. "Thank you."
Nakita niyang natulala si Liui. Kumurap-kurap pa ito na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Ibinuka nito ang bibig nito pero sa bandang huli ay itinikom din nito iyon nang sa tingin niya ay wala itong maapuhap na sabihin. Marahil ay nabigla ito nang makita siya nitong ngumiti, kung ngiti nga bang matatawag 'yon.
Ipinasya niyang umalis na sa lugar na iyon at umuwi na gaya ng orihinal na plano niya. She had enough for today. Gusto niya nang magpahinga. She was already physically and emotionally tired.