ZIENA LARA "My King?" nakangibit kong tawag rito. "Everytime na magkasama tayo, lagi na lang nasa panganib ang buhay ko. Hihintayin mo na rin ba ang Daddy mo naman ang papatayin nila? Ziena, lagi ka na lang nasa magulong sitwasyon," diin na saad ng binata sa akin. Napakamot naman ako sa aking batok. "Nagkataon lang na malaki ang hinahawakan kong kaso," mahinahong saad ko naman. Napapailing na lang ito. Agad na itong sumakay sa kan'yang kotse. "Hari ko?" tawag ko naman. "Kailangan ko muna ng peace of mind, Ziena Lara," aniya. Napasunod na lang ang tingin ko sa papalayong sasakyan ni Hari. "Peace of mind! Gusto mo pala, peace of mind, eh di sana pinasabog ko na ng tuluyan ang kotse mo!" inis na sigaw ko naman. Bwesit na buhay na ito oh! Puro kamalasan na lang! "Cortez!" Napalingo

