ATTORNEY CORTEZ- NAPANGIBIT naman ako sa sakit. Dahan-dahan akong bumangon at tinanggal ang dextrose na nakalagay sa aking kamay. Ramdam ko rin na mainit ang aking katawan. "Saan ka pupunta?" aniya ng aking King na dali-daling ibinaba ang pagkain sa mesa at inalalayan ako. "Uuwi na ako," mahinang saad ko naman. "Hindi pa magaling ang sugat mo. At namumula pa rin ito!" galit na saad niya at pilit ulit akong pinapahiga. "Kaya ko na, my King," malambing na sagot ko naman. "Huwag matigas ang ulo, Ziena Lara!" aniya at inayos ulit ang dextrose sa aking kamay. Napanguso naman ako. "Bakit ba nakadikit ang gulo sa inyo? Kung hindi si Jenny, si Z. Kahit sila Bea at Ann," panenermon niya sa akin. "Subuan mo ako," malambing na saad ko naman. "AYOKO ng ganito, Ziena. Paano kung mag-asawa n

