Safe kaming nakarating sa temple, walang pagsugod na naganap sa amin dahil na rin sa paglabas ng mga Tarragon sa dinaanan namin at parang hinatid kami rito. Maganda ang ginawa ni Selam, hindi ko alam kung paano, pero malaking pasasalamat ko sa kanilang lahat. Ayoko ng may madamay pang iba dahil sa akin. Ayoko ng maulit ang nangyari sa spa kung saan may nawalan ng buhay. I don’t want anyone to suffer a loss again, lalo na at na-winess ko kung paano naghinagpis ang mga relatives ng mga namatay. Hindi naman nila ako sinisisi, kaya lang ako pa rin ang dahilan kung bakit humantong sila sa gano’n. Pero ano pa ba ang magagawa ko, kundi damayan na lang sila at ipagdasal ang mga nawala. Pagkababa ko ng carriage, tumingin ako sa buwan, sa madilim na kalangitan at para silang spotlight na umiilaw s

