Naging abala nga ang magkapatid sa kanilang duties bilang Emperor simula nang makauwi na sila. Madalas na si Natisa na lang ang nakakasama ko, at minsan kasama pa namin si Selam na umalis na sa kanilang bahay at nagsasama na sila ngayon ni Tsega. Hindi kasi naniniwala ang kanyang mga magulang na soulmate niya ang lalake, pero dahil na rin sa blessings ng Emperors, malaya silang dalawa at exception sila sa law na dapat tatlo ang partner ng female. Karamihan sa council ay pumayag din dahil ayaw nilang sawayin ang itinakda ng kanilang Goddess at natatakot sila na maparusahan na naman ang kanilang race. Buti nga at may takot pa rin sa kanilang Goddess, ayaw na talaga nilang maulit pa ang nangyari noon. Isa lang naman ang laging kumokontra at ‘yon ang descendant ng past Emperor na si Lord Dagim

