Mabilis kaming tumakbo ng aking kapatid nang may nag-report sa amin na may nangyari sa spa facility. Sobra kaming nag-aalala ngayon dahil alam namin nandoon ng aming soulmate. Ni-report ito sa min ni Natisa bago sila pumasok sa loob. Sinabi rin nito na kasama nila ang aking ina na humingi daw ng tawad kay Eda. Kahit kaming mga anak niya ay hindi naniniwala na gagawin ito ng kanilang ina. Masyado itong ma-pride at ayaw na ayaw talaga nito sa ibang species. Nang makarating kami roon, nakita na namin sa harapan pa lang ng spa ay mga walang malay na Imperial Guards at may tama pa sila ng laser gun. Pagpasok pa lang namin doon, nakita na namin n pti ang mga staff ay pinagbabaril at ang iba ay wala ng buhay. Doon na kumabog ng husto ang aking dibdib at malakas kong tinawag ang pangalan ng aming

