Isang malakas na buntong hininga at parang nakahinga ako ng maluwang nang lumabas na ako sa council room. Nakaabang sa labas si Selam at kasama ko naman si Natisa sa loob kung saan prinesent ko na ang aking proposal at mga new ideas sa harap ng council at sa harap ng aking mga mates, na ginagampanan ang kanilang tungkulin ngayon as Emperors. Nandoon rin si Lady Betesida na matalim ang tingin sa akin hanggang sa matapos ang pagsasalita ko. Kinakabahan ako, pero nang makita ko ang aking mates, lumakas ang aking loob. Wala namang umabala sa akin habang nagsasalita ako, sana nga lang at nakikinig sila sa akin. Nakita ko doon si Lord Ezera, Lord Nebiyou, at Lord Leul na nakita kong nakangiti sa akin. Ang mga iba, interesado naman ang tingin, si Lord Giday, gano’n pa rin ang itsura at parang bor

