“Jace! You’re really here!” Bulalas ni Crezia nang pagbuksan siya ni Jace ng pinto. Parang hindi niya ako nakikita dahil nakatutok lang ang tingin niya kay Jace. Mukha rin siyang lasing dahil amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya. Sumulyap sa akin si Jace bago muling hinarap si Crezia na titig na titig sa kanya. Hindi ko maiwasang salitan silang tingnan. “What are you doing here, Crezia? It’s the weekend. Wala rin tayong dapat pag-usapan tungkol sa trabaho–” “I just don’t understand why you have to leave Cebu immediately. You didn’t even finish your current project. Why? Was it because of what I have told you? Dahil ba doon, Jace?” sunod-sunod na sambit niya at humakbang pa palapit at hinawakan ang braso ni Jace. Bumaba ang tingin ko doon kaya nang makita ni Jace na nakatingin ako ay h

