PHOENIX GONZALES Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at kulay puting pintura ang aking naaninag sa paligid. Pati ang pigura ng isang babaeng nakaupo sa gilid at nakadukdok sa gilid ng kama ko ay naaninag ko rin. Nang tuluyan kong mabuksan ang mga mata ko, agad ko itong nakilala. "Sophie..." Ate Sophie ang binanggit ko pero tila namalat ako at Sophie lang ang lumabas sa bibig ko, mahina pa at hindi ko alam kung narinig niya. "Phoenix!" Pero mukhang narinig niya nga iyon dahil sa biglang pag-angat ng mukha niya sa akin. "Gising ka na! Sandali! Tatawag ako ng doktor!" Mabilis siyang nakalabas sa kwarto at hindi ko man lang ito napigilan. Gusto ko sanang bumangon at umupo na lang sa kama pero hindi ko magawa dahil may makirot akong nararamdaman sa bandang balikat ko, na sa pagkakat

